Tuesday, March 15, 2011

Bagong buhay sa bagong lugar.

Unang araw ko sa bago kong opisina, naligaw pa ako. Teka ipapaliwanag ko lang ha, hindi ako lumipat ng opisina as in bagong trabaho o kompanya nanaman ah, lumipat lang ako ng lokasyon. Ang masasabi ko ay malayo ito. Ang biyahe ay parang papunta sa probinsya kung ikukumpara sa dati kong lokasyon. Halos isang oras. Nakakapagod at nakakainip. Ang layo ng parking area sa aking gusali. Halos sampung minuto ang paglalakad bitbit ko ang lahat ng aking kagamitan, laptop, external drive, etc. Napakabigat. Gumegewang na ko sa aking paglalakad. Open area pa. Maiinitan si Bruno, kawawa naman.
Medyo malayo sa mga kainan, sa paglalakad pa lang ubos na ang oras ng break. Kaya nga nagbabaon nalang ako ng lutong bahay.
Bukod sa napalayo ako, mapapagastos din ako ng mas malaki. Sa gasolina at sa parking. Lalo na ngayon na tumaas nanaman ang presyo ng gasolina. Naku po! Nakakasakit ng ulo.
Sa kabilang ibayo naman, mas tahimik dito at mas makakapocus sa trabaho. Alam kong masasanay din ako sa bagong environment na ito. Maganda din ang mga pasilidad dito. Awtomatik ang toylet bowl at ang gripo. Astig diba? Ang Kewl! May telebisyon din sa pantry (pero ngayon ay nawala ang telebisyon).
May pawnteyn sa gitna ng mga gusali at yung awtomatik na tagadilig ng damuhan na muntik na akong basain. May trail para sa mga gustong mag-jogging. Mala-gubat ang nasa likod ng lupain.
Sa kabuuan, maayos naman ang kalagayan ko sa bagong lugar ngunit hindi maiiwasan na madaanan ko ang dati kong opisina na nakapa-lapit sa bahay namin kaya kapag ako ay dumadaan lalo kong namimiss ang Eastwood.
Hanggang sa muli!

No comments:

Post a Comment