Wednesday, January 27, 2010

TIPUS

a.k.a. TYPHOID FEVER

Ang TIPUS ay mapanganib.

Ang tipus ay isang impeksyon na dala ng bakterya na madaling makaapekto sa bituka at iba pang bahagi ng katawan.

Tanong, paano ba masasabi na may tipus ang isang tao?

Una, ikaw ay laging galit. Pangalawa, ikaw ay laging masungit. Pangatlo, ikaw ay madaling mairita. Pang-apat, ikaw ay walang pasensya. At marami pang iba.

Tandaan, kung ikaw ay may mga sintomas na nabanggit, Mag-ingat ka! Sigurado may TIPUS ka.

May iba't ibang level ang pagkakaroon ng TIPUS. Paano ba ito sinusukat? Masasabing ang tao ay nasa unang antas ng tipus, kapag sya ay naiinis sa maliliit na bagay lamang. Tumataas ang tipus level kapag dumadalas ang pagsusungit. Habang tumatagal, pataas ng pataas ang antas ng pagkakaroon ng tipus. Sa ngayon, hindi pa masusukat ang pinakamataas na antas. Ang taong pinaka-masungit, mainisin at iritable sa isang araw, ang magkakaroon ng tinatawag na "TIPUS AWARD". Ibig sabihin, naabot nya ang pinakamataas na antas ng tipus sa isang araw.

Sa antas na ito, masasabing delikado na ang lagay ng taong ito. Walang siguradong lunas ang sakit na ito. Kaya lumayo sa taong may tipus.

BABALA: Umiwas sa mga taong may tipus, ito ay nakakahawa.

1 comment:

  1. ako ganyan sir sa konting ano galit ako agad my tipus ako 😔

    ReplyDelete