Mahigit isang taon na ang nakalipas nung isinulat ko ang una at kaisa-isa kong blog entry. Ngayon, ang TIPUS ay nagbalik! Walang kakupas-kupas.
Huminahon tayo. Kalma lang. Dahil ngayon ay may naimbentong dipensa o lunas para sa sakit na ito.
Ang lunas at dipensa na maaaring makapagpagaling or makaiwas sa malubhang sakit na ito ay tinatawag na DEADMA.
Maraming mga katanungan tungkol sa DEADMA. Isa-isahin nating usisain ang mga katanungan at kasagutan ng madlang people.
Una sa lahat, saan ito nakukuha? Ang Deadma ay hindi nabibili. Ito ay maaring makamit ng pansarili.
Paano ito nadiskubre? Isang araw nung matipus ang aking kaibigan, hindi ko na lang sya pinansin at dineadma ko. Dito ay nadiskubre ko, na maaring lunas ito o dipensa sa mga taong inaatake ng TIPUS.
Hanggang dito na lang muna. Hanggang sa muli! O wag ma-tipus. Deadmahin ko lang kayo.
No comments:
Post a Comment