Tuesday, May 31, 2011

Monday, May 30, 2011

THE STARE.

THE STARE.
Hinintay ko pa naman, bakit wala yung part na to sa movie? :(

Tawang-tawa nanaman ako as usual. KUNG FU PANDA 2 is one of the best!

I really adored this film not only because I am still a child at heart but because of its awesomeness. I was looking forward to seeing it since I loved the first movie so much. PO, popularly known as the Dragon Warrior, is adorable. I even can't wait for the next line that he'll deliver because everything he says is just so humorous. The movie is very action-filled and entertaining, yet inspiring. I just can't stop laughing on the whole duration. 

Amazingly, the movie has a lot of positive messages. One of the lines that moved me was when Po said to Lord Shen, "What happened in the past is not important, it's who you choose to be." True, the past need not define you. Forget about the past and find inner peace within yourself. With this, you will be able to handle anything that life will bring in the future.
Do a journal entry to debit all the good intangible assets (those that are  not physical in nature). And write-off all the negative vibes within you. Make sure that it is a double entry bookkeeping, though, to be able to balance your book of accounts which we call life.

Sunday, May 29, 2011

Substance over form.

Substance over form - If information is to represent faithfully the transactions and other events it purports to represent, it is necessary that they are accounted with their substance and reality and not merely their legal form.

Ito ay isa sa mga kwaliteytib karakteristiks ng akawnting na gusto kong iugnay sa mga pangyayari sa totoong buhay. Ang halimbawa nito ay ukol sa mga relasyon, specifically romantic relationships. Isang magandang halimbawa ay legal ang relasyon ninyo ngunit parang hindi naman kayo or kabaligtaran naman na "parang" kayo ngunit hindi naman opisyal. Substance (parang kayo) over form (pero hindi kayo opisyal)? o Form (Opisyal ang relasyon) over substance (walang gana sa relasyon)? Mamili kayo.

Ang hirap ng dalawang sitwasyon na ito at alam kong sa panahon ngayon ay marami ang ganitong set-up. Nakakaloka at very confusing talaga kapag ikaw ay nakaranas nito. Ako rin ay dumaan na dito. Masasabi ko lang ay ayoko na itong mangyari sakin, nakakatrauma siya.

Unahin natin ang "Substance over form" - May mutual na pagkakaunawaan. Gusto nyo laging magkasama kayo. Masaya kayo kapag magkasama. Ang pagsasama niyo ay kasing tamis ng asukal na nilalanggam pa. Walang patakaran at walang pagpapanindigan (commitment), ngunit nagkakaron ng selosan. Pareho kayong nahihirapan lumugar kase "hindi naman daw kayo". Walang responsibilidad, ngunit kapag hindi nagpaalam ang isa o hindi nagtext, nagagalit naman yung isa. Nagsisimula ang away na wala naman dapat pag-awayan kasi nga hindi naman kayo. Ano ba talaga? Gawin nyo na lang kayang opisyal yan? Lahat ng tao nagtatanong na, kayo ba? Ngunit feeling nyo artista kayo, deny to the max pa. Madali lang ang kasagutan dito. Pag-usapan niyo yan ng maayos.

"Form over substance" - Ito naman ay para sa mga opisyal na pagiging kayo. Kayo nga, ngunit wala nang substance ang relasyon. Puro away, walang pagmamahalan. Ayaw nyo pa rin bitawan ang isa't isa dahil nasanay na lang kayo na magkasama. O hindi naman kaya dahil nanghihinayang kayo sa matagal ninyong relationship kaya nagtitiis na lang kayo, that's why you are settling for anything less. O dahil nanghihinayang kayo sa mga naiplano nyo para inyong kinabukasan. Ayaw niyo pa rin imulat ang inyong isip na hindi na talaga magtratrabaho (magwowork sa ingles) pa ang relasyon nyo. Umaasa pa rin kayo na magbabago at maaayos ang lahat at pansamantala lamang ang pangyayari na ito sa inyong buhay. Paano kung hindi kayo para sa isa't isa. Pipilitin niyo pa rin ba? Kahit na ang gulo gulo na? Umayos nga kayo.

Para sa akin, wala akong pipiliin dahil gusto ko pareho na lang kung maaari. Substance and form.

Tuesday, May 24, 2011

WRITE-OFF.

Write-off - Removal of the book value of a destroyed or obsolete asset, or an uncollectible sum, from the account books by reducing it to zero. The amount written off is charged against the earnings as an expense or loss.

Kung ikukumpara ito sa totoong buhay, kapag wala nang balyu ang mga bagay/tao dapat na silang i-write-off. Dadating talaga ang panahon na marerealize natin na ang mga bagay o tao o relasyon ay wala nang balyu or sa masakit na salita, wala nang silbi. Dahil dito, dapat na natin sila i-write off or tanggalin. Siyempre hindi naman ito kaagad agad. May dadaanang matinding pagsusuri bago mag write-off.

Sa ngayon, matindi ang aking pag-iisip kung dapat na bang mag write-off o hindi. Obsolete asset na bang matatawag ang aming relasyon? Dapat na ba palitan o i-dispose ang asset na ito? Ang hirap! Sapagkat minsan ang mga asset kahit ito ay obsolete ay mayroong tinatawag nilang sentimental balyu. Naging malaking parte sya ng iyong buhay at nakasama mo siya sa mahabang panahon. Ang tagal ng proseso ng assessment na to.

Kung sakaling maisipan kong i-write off ito ng tuluyan, malamang ay charged to expenses/loss nga ito. Kahit ito ay mawala sa aking Financial Statements na parang bula, mananatili pa rin ito sa aking Journal Entry. It will forever be in memories na lang.

Monday, May 23, 2011

When the time has come.

Ganun pala yun noh? Dadating pala talaga yung araw na yun. Yung araw na marerealize mo lahat ng katangahan mo sa buhay. But then, no regrets. Ganun talaga eh. Sabi nga sa opisina na kapag nagtratrabaho ka lagpas ng walong oras na walang bayad, charge it to experience na lang. Tama naman, db?

Ilang beses na nila akong pinagsabihan. Yung ulo ko parang bato. Ang tigas. Ang puso ko naman parang mamon. Ang lambot. Sabi nila bakit daw ako nagpapakatanga sa kanya kung pwede naman akong maging matalino sa pagpili ng iba? Ang hirap turuan ng puso eh. Sabi nga nila kapag tumibok ang puso, wala ka na magagawa kundi sundin ito. Masunurin ako, lagi kong sinusunod. It's how I lived my life, by taking chances. Parang minsan kapag nagdrive ako, dapat pa kong maligaw para mahanap lang yung tamang lugar. Yung maling liko ko sa kaliwa pala, dinala ako kung asan ang pinakamasayang piging! Ang buhay ay parang pagmamaneho lang kase yan. Minsan di maiwasan na mabangga ka dahil kung saan saan pa tumitingin or kung ano ano pa inaatupag habang nagmamaneho. Matuto ka na mag-ingat. Ang masasabi ko lang, kahit maligaw ligaw ka pa at mali mali ang dinadaanan mo, makakarating ka pa rin sa pupuntahan mo. Dahil kapag naghintay ka lang sa isang tabi kase di mo alam ang daan, wala kang mapupuntahan. Tawag sayo stuck up. Basta next time, alam mo na yung tamang daan.

Maaari din na ang buhay natin ay parang sa washing machine lang, yung mga maduduming damit ang daming twists and turns bago maging malinis. Paglabas naman sa washing machine, parang bago na ulit. Better and brighter dahil laba sa Tide. Ang bango pa!

No regrets. Naniniwala ako na kung asan man ako ngayon, it is where I am supposed to be. Kung perfect na ang araw ko ngayon, edi magiging walang silbi ang bukas ko. Life should get better everyday.

Live life! Laugh loud and laugh often hangang sa mabaliw ka lang. Saktong craziness. And when the time has come, the perfect moment you have been waiting for, don't let it slip away. Hold on to it and make the most of it. ü

Sunday, May 15, 2011

INVADING BOHOL.

BOHOL CHOCO TOUR ADVENTURE 2011
First stop: Blood Compact Monument of Legazpi and Sikatuna or in short the SANDUGO.
 2nd Stop: Baclayon Church - one of the oldest church in the Philippines. The church is made of coral stone and it is said that millions of egg whites were used to cement the coral stone blocks together.

3rd Stop: Lunch at the floating resto (PAWIKAN style).

4th Stop: Tarsier Conservatory

5th Stop: FAMOUS CHOCOLATE HILLS

6th Stop: Butterfly Garden

7th Stop: Hanging Bridge
Last (but not the least) Stop: Philippine's 14th year old Python named PRONY.
We were entertained by Prony's twin, Marimar.
It was indeed a very tiring first day at Bohol. We then had our dinner at Chicken Ati-Atihan, which is now one of my fave chicken inasal. "Mapapasayaw ka sa sarap!" (And I did!)

2nd Day: LUNCH @ Bohol Bee Farm
MUST TRY: HONEY-GLAZED CHICKEN WITH ORGANIC SALAD AND WATERMELON CHILLERS. RAPSA!
BEST PART OF OUR STAY: RELAXING @ BOHOL BEACH CLUB.
SPECIAL THANKS TO L.O.L TRAVEL AND TOURS FOR MAKING OUR TRIP SMOOTH AND WORRY-FREE.