Substance over form - If information is to represent faithfully the transactions and other events it purports to represent, it is necessary that they are accounted with their substance and reality and not merely their legal form.
Ito ay isa sa mga kwaliteytib karakteristiks ng akawnting na gusto kong iugnay sa mga pangyayari sa totoong buhay. Ang halimbawa nito ay ukol sa mga relasyon, specifically romantic relationships. Isang magandang halimbawa ay legal ang relasyon ninyo ngunit parang hindi naman kayo or kabaligtaran naman na "parang" kayo ngunit hindi naman opisyal. Substance (parang kayo) over form (pero hindi kayo opisyal)? o Form (Opisyal ang relasyon) over substance (walang gana sa relasyon)? Mamili kayo.
Ang hirap ng dalawang sitwasyon na ito at alam kong sa panahon ngayon ay marami ang ganitong set-up. Nakakaloka at very confusing talaga kapag ikaw ay nakaranas nito. Ako rin ay dumaan na dito. Masasabi ko lang ay ayoko na itong mangyari sakin, nakakatrauma siya.
Unahin natin ang "Substance over form" - May mutual na pagkakaunawaan. Gusto nyo laging magkasama kayo. Masaya kayo kapag magkasama. Ang pagsasama niyo ay kasing tamis ng asukal na nilalanggam pa. Walang patakaran at walang pagpapanindigan (commitment), ngunit nagkakaron ng selosan. Pareho kayong nahihirapan lumugar kase "hindi naman daw kayo". Walang responsibilidad, ngunit kapag hindi nagpaalam ang isa o hindi nagtext, nagagalit naman yung isa. Nagsisimula ang away na wala naman dapat pag-awayan kasi nga hindi naman kayo. Ano ba talaga? Gawin nyo na lang kayang opisyal yan? Lahat ng tao nagtatanong na, kayo ba? Ngunit feeling nyo artista kayo, deny to the max pa. Madali lang ang kasagutan dito. Pag-usapan niyo yan ng maayos.
"Form over substance" - Ito naman ay para sa mga opisyal na pagiging kayo. Kayo nga, ngunit wala nang substance ang relasyon. Puro away, walang pagmamahalan. Ayaw nyo pa rin bitawan ang isa't isa dahil nasanay na lang kayo na magkasama. O hindi naman kaya dahil nanghihinayang kayo sa matagal ninyong relationship kaya nagtitiis na lang kayo, that's why you are settling for anything less. O dahil nanghihinayang kayo sa mga naiplano nyo para inyong kinabukasan. Ayaw niyo pa rin imulat ang inyong isip na hindi na talaga magtratrabaho (magwowork sa ingles) pa ang relasyon nyo. Umaasa pa rin kayo na magbabago at maaayos ang lahat at pansamantala lamang ang pangyayari na ito sa inyong buhay. Paano kung hindi kayo para sa isa't isa. Pipilitin niyo pa rin ba? Kahit na ang gulo gulo na? Umayos nga kayo.
Para sa akin, wala akong pipiliin dahil gusto ko pareho na lang kung maaari. Substance and form.
No comments:
Post a Comment