Write-off - Removal of the book value of a destroyed or obsolete asset, or an uncollectible sum, from the account books by reducing it to zero. The amount written off is charged against the earnings as an expense or loss.
Kung ikukumpara ito sa totoong buhay, kapag wala nang balyu ang mga bagay/tao dapat na silang i-write-off. Dadating talaga ang panahon na marerealize natin na ang mga bagay o tao o relasyon ay wala nang balyu or sa masakit na salita, wala nang silbi. Dahil dito, dapat na natin sila i-write off or tanggalin. Siyempre hindi naman ito kaagad agad. May dadaanang matinding pagsusuri bago mag write-off.
Sa ngayon, matindi ang aking pag-iisip kung dapat na bang mag write-off o hindi. Obsolete asset na bang matatawag ang aming relasyon? Dapat na ba palitan o i-dispose ang asset na ito? Ang hirap! Sapagkat minsan ang mga asset kahit ito ay obsolete ay mayroong tinatawag nilang sentimental balyu. Naging malaking parte sya ng iyong buhay at nakasama mo siya sa mahabang panahon. Ang tagal ng proseso ng assessment na to.
Kung sakaling maisipan kong i-write off ito ng tuluyan, malamang ay charged to expenses/loss nga ito. Kahit ito ay mawala sa aking Financial Statements na parang bula, mananatili pa rin ito sa aking Journal Entry. It will forever be in memories na lang.
tama!i-write off mo na. mag adjusting entries ka nlng.pwde namang ibalik ang naudlot nuon e. :))
ReplyDeleteHahaha so dapat ba kong magreversing entries?
ReplyDelete