Isang araw. Naiwan ko ang aking lumang cellphone sa bahay.
Tumawag ako sa bahay at nakausap si Ate Roxy (ang dakila naming mayordoma).
Ako: Ate Rox, naiwan ko ata yung cellphone ko sa bahay yung nokia lang, pakicheck naman kung asan...
Ate Roxy: Sige hanapin ko..
Ako: Sabihin mo kay Jana paki-bbm nalang ako kapag nahanap mo na..
Ate Roxy: Sige sabihin ko..
Ilang oras na ko naghihintay ng BBM kung nakita ang aking cellphone.. Wala akong natanggap na mensahe hanggang sa nakauwe na ko ng bahay. Nakita ko ang Nokia cellphone ko sa kwarto ko at doon nabasa ko ang text message ni Ate Roxy.
"Jen, naiwan mo nga ang cellphone mo sa kwarto mo."
Nye!!!!!! Naiwan ko nga tapos nagtext pa sya! Naiwan ko nga eh, pano ko naman mababasa yung message!!!
Yun lang. Bow. hehe
si ate roxy talaga classic! haha!
ReplyDelete