Ito ang aking koleksyon ng Starbucks Planners simula 2006.
Ang aking kauna-unahang SB Planner.
2007 SB Planner. Pinaka-ginamit ko sa lahat, puno ito ng larawan at kwento.
2008 SB Planner. Dinikitan ko ng La Salle Sticker sa loob.
2009 SB Planner. Mayroon ding pula at asul na kulay, ngunit mas pinili ko ang itim.
2010 SB Planner. Ang planner na nilagyan ko ng cinema tickets ng lahat ng aking pinanood.
2011 SB Planner. Ang planner na wala akong naisulat at hindi ko nagamit sa kadahilanan na may Belle de Jour Power Planner ako na mas nagamit ko.
2012 SB Planner. Gawa ito sa Cherry Tree. Sisiguraduhin kong gagamitin ko ito sa 2012, inuumpisahan ko nang sulatan ng mga mahahalagang araw katulad ng Holidays.
No comments:
Post a Comment