Monday, June 20, 2011

COST ANALYSIS vs RELATIONSHIPS.

Usually ang cost analysis ay ginagamit to predict future costs. This is based on actual costs that already incurred in the past. Maaaring gumamit ng High Low Method or Least Squares Regression. Maaari din pala itong i-apply sa totoong buhay.

Isang magandang halimbawa. Ang mga naganap na pangyayari sa isang relationship ay maihahalintulad dito. Kung sa unang taon ng inyong pagsasama ay hindi nagloko ang BF/GF mo, 100% sure ka na susunod na taon ay hindi ito magloloko. Ngunit, kung ang BF/GF mo ay nagloko ng tatlong buwan sa loob sa pangalawang taon nyo at nagloko naman ng anim na buwan sa pangatlong taon nyo. Sa pang-apat na buwan naman ay nagloko siya ng 9 na buwan. Maaari tayong magpredict kung ilang buwan siya maaaring magloko sa pang-limang taon ng inyong pagsasama. Ito ang summary sa ibaba:
1 - 0/12 o 0%
2 - 3/12 o 25%
3 - 6/12 o 50%
4 - 9/12 o 75%
5 - ??????

Makikita natin ang porsyento ng pagloloko ng BF/GF. Kung i-analyze natin ito, may posibilidad na magloko sa panglimang taon ninyo ang BF/GF ninyo ng 37.5% o 4.5 na buwan based sa actual na pangyayari. Kaya wag nating i-disregard ang actual na pangyayari sa past dahil maaari natin magamit ito sa pagpredict ng future. Kapag ginamit natin ito sa totoong buhay, malamang ay mas maganda ang magiging desisyon natin.

NGUNIT, maaari din naman na sa pang-limang taon ay hindi na magloko ang BF/GF kung may mangyaring tinatawag na significant change. Ito ang mga pangyayare na makakapagpabago sa isang relasyon for the better. Sana nga totoo.

Yun lang. Ingat ingat. :)

No comments:

Post a Comment