Wednesday, June 1, 2011

JUNE JITTERS.

Kalma lang. Hindi pa ako ikakasal. Malayo at malabong mangyari yun sa ngayon. (But I'm hoping na malapit na! Alam kong may magrereact jan.) Ngunit ako ay nakararanas ng June Jitters.

Ang bilis nga naman ng takbo ng panahon at di ko namalayan na Hunyo na pala. Halos mangalahati na ang taong ito. Nang aking sariwain ang huling limang buwan ay napagtanto kong ang daming mga pangyayari na naganap na nagpabago ng takbo ng aking buhay.

Sa pagsalubong ko sa buwan na ito, ako ay medyo kinakabahan. Inaasahan ko ang marami pang lubak na dadaanan ko simula ngayon. Ultimong sakripisyo (Ultimate sacrifice) ang aking gagawin para sa aking sarili at karera. Ako ay nag-aagam agam kung kakayanin ko ba ang pagsubok na aking haharapin, ang daan na aking tatahakin. Sa palagay ko, tatag ng loob, disiplina at pagtitiwala ang aking sandata upang labanan ang anumang unos. Sana ay ambunan or dapat ay hilingin kong ulanan o bagyuhin ako ng napakagandang swerte at bendisyon (blessings).

Ang masasabi ko lang, ano man ang aking nararamdaman sa ngayon, alam kong kakayanin ko ito.

☑ I can do this.

2 comments: