Ano ba yan! Naisahan ako ng aking malapit na kaibigan na para ko na ring kapatid na itatago ko sa pangalang Al Christian Domingo o a.k.a. "Crooch".
Kahapon ay habang kami ay naguusap tungkol sa mga pagbabago sa DLSU, nabanggit ko na naabutan ko pa yung lumang gym na kinatatayuan ng Yuchengco ngayon. Sabi ni crooch, Gym Paredes daw. Sapagkat ako ay gullible, paniwalang paniwala ako na ito ay totoo. At dahil dito, naisulat ko sa previous blog entry ko na ang pangalan ng lumang gym ay Gym Paredes, hinanap ko pa sa chat transcipt.
Hanggang kanina ay bumabaybay ako sa dakong libis. Nakita ko ang isang malaking billboard. May concert daw. Ang pangalan ng artista ay si JIM PAREDES. Ako ay napaisip ng matindi. Parang naisahan ako dun ah. Nag-agam agam ako kung joke lang yung GYM PAREDES. Napatawag ako kay Crooch upang i-confirm sa kanya kung tama ang aking teorya na joke lang yun. Tama nga! Tawang tawa ako sa aking sarili. Na-slowness nanaman ako dun. Kaya daw pala di ako tumawa o nagreact nung binanggit niya yun.
Just for laughs! Good vibes everyone! ♥
No comments:
Post a Comment