Ang kulit.
Uulitin ko ng paulit-ulit.
Kahit na ang daliri ko ay maipit.
Uulit-ulitin ko pa rin ng paulit-ulit.
Kahit na ang dila ay mapilipit.
Ulitin ko pa rin siya ng paulit-ulit.
Kahit ako ay makalbo hanggang anit.
Uulitin ko pa rin ng paulit-ulit.
Kahit na ang utak ay mapunit.
Uulitin ko talaga ng paulit-ulit.
Hanggang sa matuto ako ng sobrang lupit.
Uulitin ko siya talaga ng paulit-ulit.
Hanggang ang kasiyahan ay umabot hanggang langit.
Uulit-ulitin ko pa rin ng paulit-ulit.
Hanggang ang tagumpay ay aking makamit.
Di ko ito titigilan. Hanggang sa dulo ng walang hanggan.
Ang mga kamalian sa unang beses ay dapat maging gabay upang sa susunod ay hindi na magkamali. Ang lunas dito ay ulit-ulitin ng paulit-ulit para masanay at matuto upang hindi na magkakamali sa susunod.
Isang bagay lang naman ang hindi ko uulit-ulitin ng paulit-ulit. Alam niyo na yun.
No comments:
Post a Comment