Monday, June 6, 2011

Random thoughts for tonight.

Bakit kaya ang mga tao, ang hilig magtanong sakin ng "Balita?" Ang sagot ko naman, "Bakit newscaster ba ko at sakin kayo nagtatanong ng balita?" Hindi nga ako nakakanood ng telebisyon, hindi ko din alam ang balita. Baka naman gusto nyo lang sumagap ng chikka. Wala rin akong chikka sa ngayon. Pasensya na dahil sabi nga ng iba, lagi nga raw ako huli sa mga balita eh. (Hindi ako nagpaparinig sa isang kaibigan, hindi)

Ito ay ilan sa halimbawa na nahuli ako sa balita:
- Recently ko lang nalaman na sumakabilang buhay na si Ace Vergel. Nung tignan ko sa google, 2007 pa pala siya yumao.
- Nagulat din ako ng malaman ko kamakailan lang na hindi pa pala kasal si Dolphy at Zsazsa. Kakalabas lamang ng balita ukol sa annulment ni Zsazsa at ng asawa nya dati na ama ni Karylle.

Kanina ay may nakasabay ako sa paglabas ng opisina. Ang gentleman sapagkat pinagbuksan pa ako ng pinto. Pagkatapos ay bigla siyang naglakad na pakembot. Kinabog ang beauty ko dahil ang sexiness ng paglakad niya. Bounce to the left, bounce to the right ang effect ng butt niya. Tawang tawa nanaman ako.

Naalala ko lang bigla ang kwento ng aking guro. Bago daw dumating ang araw ng board exams, nagsimba daw siya at hindi niya kinain ang os-cha. Instead, inuwe niya ito at itinago. Apat na araw ang boards, so hinati niya sa apat na porsyon ang os-cha. Isang araw ng boards = isang parte ng os-cha ang kinain niya upang gabayan daw siya ng Panginoon habang kumukuha ng exam. Para sa kanya, sariling diskarte daw ang mga gagawin mo bago mag exam. Wala daw dapat basagan ng trip. MYOB nga db? Ako kaya, anong trip naman ang aking gagawin sa pagpasa?

1 comment:

  1. we are so friends... pareho tayong parati huli sa balita bwahaha!

    ReplyDelete