Tuesday, June 14, 2011

TROPHY GF.

Trophy Girlfriend, is there such a term?

Unang pagkakataon kong narinig ang mga salitang ito. Ako ay nag-agam agam kung ano ang ibig sabihin nito. Ayokong magtanong sa iba kong lalaking kaibigan kaya ating himayin ang salitang ito.

Base sa salitang "trophy", ito ay naglalarawan ng tagumpay ng isang tao. Hindi ba nakukuha ang tropeyo sa isang paligsahan na pinaghihirapan pagkatapos ay i-didisplay lang naman ito sa bahay para maipakita o maipagmayabang sa mga bisita sa bahay?

Masasabi mo ba na ang isang trophy girlfriend ay isang magandang babae na pinaghirapan mong makuha sa gitna ng maraming ka-kompetensya, pagkatapos ay ipagyayabang mo ito sa iyong mga kaibigan? Sa kabilang dako naman, ito ba ay isang babaeng pang-display lamang dahil sa hugis ng katawan na may balingkinitang bewang at makinis na kutis? Ito ba ay yung mga babaeng inuuwe sa bahay na sinasabing "wife material"? Ano nga ba talaga ang trophy girlfriend sa mata ng mga kalalakihan?

Hindi ko alam ang kasagutan kung ano nga ba ito talaga. Maaaring maganda ang kahulugan nito, depende na lang siguro sa taong nagbibigay ng kulay dito.

Guys, sabihin niyo nga sakin, anong tingin nyo sa isang trophy girlfriend?
Girls, ano naman ang reaksyon ninyo kapag sinabihan kang isang trophy girlfriend?

Let me know your thoughts.

3 comments:

  1. sa aking pagkaka-alam ang trophy gf ay yung mga pang show-off o pang-display. yung maganda sexy at yung kaiingitan ng lahat ng kalalakihan. :)

    ReplyDelete
  2. Anonymous, salamat sa iyong pagsagot. Pero sana ay ilagay mo naman ang iyong pangalan. :)

    ReplyDelete
  3. ngunit sa pag kakakaalam ko ay mayroon din trophy bf. at sa kasulukuyan ay may kilala akong gnun sweetiepie. :D

    ReplyDelete