Monday, February 28, 2011

Day 12: Things I don't leave the house without.

Hindi ako makakaalis ng bahay na wala akong bag. Shempre, yung mga laman nung bag ang mga bagay na hindi ko pwedeng iwanan sa bahay at kailangan ay lagi kong dala.

BAG RAID! Eto ang laman ng aking bag.
Ang aking BB :) Ito ay ginagamit ko sa aking pakikipagkomunikasyon sa aking mga kaibigan. Sa pamamagitan nito ay nakokontak ako sa pamamagitan ng tawag, teks, YM, BBM, twitter at FB. Mabilis nga lang ito maglowbat pero ito ay sobrang useful.
Ang aking wallet na walang lamang cash, puro resibo at cards lamang at ang aking kyut na pink staedtler triplus fineliner.
Ang susi ng bahay. Kung wala ito ay hindi ako makakapasok ng bahay sapagkat madalas akong umuuwe ng madaling araw dahil sa oras ng aking trabaho. At keychain na kasama nito ay ibinigay ng aking mabuting kaibigan na si Jesse. Pasalubong niya ito galing hongkong. Ito ay useful dahil maaari din itong gamitin bilang pangbukas ng bote.
Ang mahiwagang alcohol. Ako ay clean freak at gusto ko na lagi ako naglalagay ng alcohol, hindi pwedeng maiwanan ito sa bahay, mahirap na.
Pagtapos mag alcohol ay nag-dadry ang kamay ko kaya kailangan lagyan ko ng "moisturizing hand lotion" na anti-bacterial din. Ito ang White Citrus Handibac mula sa Bath and Body na ibinigay ng aking butihing tita na si Tita Gay. Ang isa naman ay Cocoa Butter and Vanilla na Hand & Nail Cream mula sa Marks & Spencer na binigay ng aking mga kaibigang sina Sugar, Alvin at Sharleen.
Ang aking "kikay kit" ay hindi mawawala sa aking bag. Hindi halata pero minsan ay maarte din ako. Nagmana ako sa aking girlfriend. Ang eyelash curler kong mula sa Shu Uemura na isang regalo noong pasko noong exchange gift. Ang aking lip conditioner na aking pinakapaborito, ang light pink na lipstick, ang cremesheen glass na lipgloss at ang studio fix powder na lahat ay mula sa MAC. At ang huli ay ang safety pin na pang-emergency.
Ang aking Benetton scent na pangpabigat ng bag.
Ang aking calculator na dinadala ko simula kolehiyo pa lamang.
At ang panghuli ay ang aking pink itouch na hindi ko ma-rotate ang letrato. Hindi rin ito maaaring maiwan sa bahay sapagkat ito ay useful sa akin sa lahat ng bagay. Minsan ay nalowbat ang aking BB at magkikita kami ng aking kaibigan, nakasagap ako ng wi-fi sa isang gas station at nag-twitter ako gamit ito. Nagkita kami kahit lowbat ang aking BB. Salamat sa itouch.

Wednesday, February 23, 2011

Day 11: Favorite tv shows.

Ako ay natatawa sa ngayon sapagkat ang 30-day challenge ko ay parang slam-book o autograph book.

Hindi ako mahilig manood ng telebisyon kaya wala akong paborito. Ayoko naman pilitin ang sarili ko na magkaroon ng paborito para lang masagutan ang challenge na ito. Kaya pasensya na, wala talaga ako maisagot dito.

TRYING HARD MAG-FLIPTOP.

Ako ba ay iyong sinusubukan?

Lalo na ang aking kagalingan?
Gusto mo bang magkaalamanan?
Kung sino ang uuwing talunan?

Halika!
Dun tayo sa kalsada!
Upang ating maipakita,
kung sino ang mas maldita.

Yuck! At wala akong balak, na magdala ng mga alak!
Dahil ayokong lumaklak habang ako ay fifliptop.
Baka lalo kang masapak ng mga salita kong mabulaklak
Na mabango ang halimuyak.

Alamat ng Saging

Kung sa akala ninyo ay puro kalokohan lang ang pinopost ko dito. Tama kayo, este mali kayo! Gusto ko lang magbigay-pugay sa aking kaibigan na itago nalang natin sa pangalang Sweetiepie o mas kilala bilang Rick Jayson. Halika, ating sariwain ang istorya kung saan nga ba nagmula ang pinaka-paboritong pagkain ng aking malapit na kaibigan. Kung wala ang kwentong ito, walang pagkain si Rick.


Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging. Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao.

Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.
Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.
"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.

Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.

Reference: http://modersmal.skolverket.se/tagalog/index.php/laerometerial/kuwento/68-alamat-ng-saging

Day 10: Something I am afraid of.

Takot ako sa halos lahat ng bagay. Masama bang matakot? Eh sadyang matatakutin lang talaga ako.

Wala kayong makita noh? Sapagkat takot ako sa dilim.

Takot ako sa mga ipis at sa mga lumilipad at gumagapang na insekto.

Takot ako sa kamatayan. Sino bang hindi? Ano kaya ang buhay pagkatapos nito? Wahhh iniisip ko pa nga lang natatakot na ko eh. Wahhhhhhhhhh!

Ito ay ilan lamang sa mga bagay na aking kinatatakutan. Naalala ko nga nung minsan na tinakot ako ng aking kapatid. Ako ay nasa aking kwarto at biglang may parang tumatawag sakin, sabi ay "ppssssstttt". Lumingon ako at wala namang tao sa kwarto ko. Sa sobrang takot ko ay napatakbo at napasigaw ako ng malakas  habang nakataas ang dalawang kamay na nagwawagayway. Imajinin nyo nalang dahil wala akong letrato nun eh. Sobrang tawang tawa si Jarra, dahil siya lang pala yun. Tapos isang beses ay nagsuot siya ng itim na damit na suot ni kamatayan. Biglang sumilip sa aking kwarto. Ako ay nagsisigaw ng malakas sa takot. Nainis nga ako sa kanya. Alam na nga matatakutin ako, pinagtritripan pa ko.

Tuesday, February 22, 2011

Day 09: A favorite picture of my best friends.

AU. MY LAWYER BESTFRIEND.

AILEEN. MY RISK MANAGEMENT ANALYST GIRLFRIEND.

KRISTINE. MY INTERIOR DESIGNER BESTFRIEND SINCE GRADE 3.


Isn't it ironic? Don't you think?

♫♫ Well life has a funny way of sneaking up on you
When you think everything's okay and everything's going right
And life has a funny way of helping you out when
You think everything's gone wrong and everything blows up
In your face ♫♫

One moment, we are ok. The next moment, we are not. Ironic much?

When you were pleading to have me back...
When you were promising to make up for what you lack...
I just thought, that things would go back on track.

When you were sorry for the things you did wrong to hurt me...
When you said words that made me feel really happy..
I just thought, we are going to be always okay starting that day.

I hoped. I prayed. For good things to last.

**IRONY - Incongruity between what might be expected and what actually occurs.

I presumed that the good feeling would stay forever and that life would go smoothly the way I expected it to be. But ironically, all good things come to an end.

I want to remind you all over again. Live with the present. Life is daily. When you think so much of the future, it ruins everything. You will be missing everything in your life by daydreaming. This is true, I am telling you.

Life is ironic. Things change constantly, sometimes in just one snap. But I know one thing would remain constant in my life, and that is YOU.

I will continue hoping. I will continue praying.

Monday, February 21, 2011

Day 08: Places I've travelled to.

 Hundred Islands with Megaworld Family 
April 2009

 KAGAY Water-rafting @ CDO
August 2009

SURFING @ SIARGAO
May 2009

WOODS of ILIGAN
August 2009

BANTAYAN ISLAND 
September 2009

Danao Adventure Trip @ Bohol
December 2009

PUERTO PRINCESA, PALAWAN
May 2010


CORON PALAWAN with IBM people
June 2010


BFC @ Boracay
December 2010



Saturday, February 19, 2011

DUMADAMOVES.

Natawa ako ng mabasa ang salitang ito. Ano nga ba ito? Tara, analyze natin!

Ayon sa aking stock knowledge, ito ay gawain ng mga kalalakihan. (Warning: basahin sa tamang pronunciation ang salita upang hindi ma-mislead) Maari din naman gawin ng kababaihan kung ang isang babae ay tinatawag na "aggressive".

[Teka lang, commercial. May nagtext sa akin. Naiinis ako at dapat bang pakialaman kung bakit ako blog ng blog. Eh gusto ko eh! Bahala nga siya.]

Ito ay ilang halimbawa lamang ng mga taong "Dumadamoves".

- Araw ng puso: Ang pagbibigay ng bulaklak/card/chocolates/regalo ay ipinapadaan sa laiason (sa aking wika ay tinatawag itong focal point/person) at hindi ipinapaalam na sa kanya ito nanggaling. Ang taong ito ay sikretong dumadamoves.

- Araw din ng mga puso: Magbibigay ang isang lalaki ng regalo sa babae dahil nakita nito sa status sa facebook o twitter ang gustong pagkain, gamit o something lang ng babaeng nagugustuhan.Madaming pogi points ito, dahil sweet ang damoves na ito. Ume-effort ang lalaki sa paghanap ng gusto ng babae.

- Kapag may problema ang isang babae: Ang lalaki ay gagawa ng paraan para maging "emotional basket" ng babaeng sawi sa pag-ibig. Kunwari ay tatawag ito or makikipagkita over dinner para pagusapan ang problema, pero ito ay dumadamoves para mapalapit sa kanya ang babae.

- Ang isang lalaki ay magyayaya ng get-together ng isang grupo kung saan kasama ang kanyang crush, ito ay simpleng dumadamoves.

- Aalamin ng lalaki ang paboritong pagkain ng babae, at kunwari ay napadaan sa lugar na malapit sa tirahan ng babae. Idadaan nito ang paboritong pagkain dahil "on the way" naman daw. Dumadamoves ito.

- Paano dumadamoves ang mga babae? Ang isang babae ay magpapapansin via twitter/facebook/instant message para kung sakali ay magrereply o magrereact ang kanyang crush. Ito ay simpleng damoves lamang, ngunit ito ay siguradong epektibo. Tried and tested.

- Maaari din na magparinig sa isang social networking site sa pamamaraan ng isang kanta na ang lyrics ay naglalaman ng mensahe na gustong iparating sa crush nito.

Ngayon, sana ay napag-alaman ninyo kung isang tao ay dumadamoves sa inyo. Kung gusto nyo pa ng advice upang ang damoves ay epektibo, i-message lang ako dito.

Disclaimer: Ang mga halimbawa ay general situations at walang pinapatamaan sa kung sino man ang makakabasa ng blog ko.

Friday, February 18, 2011

To BE(LO) or not to BE(LO).

Ito ay isa nanaman off-topic at bigla na lang sumulpot sa aking isipan. Actually, wala naman talagang certain topic ang blog ko eh.

Ang daming mga tao ang kinukutya o nilalait ang aking napakahiwagang ilong. Napatanong tuloy ako sa aking sarili, hindi ba talaga maganda ang aking ilong? Tinignan ko ito sa salamin. Ok naman sya para sa akin, datapwat hindi naman ito perfect. Medyo malapad nga ito lalo pag ako ay ngumiti. Ako ay napaisip kung humingi na ba ako ng saklolo mula kay Belo? Ito ba ay makakadagdag sa aking kagandahan. Natawa ako sa aking sarili. Tamang nababaliw lang. Naisip ko tuloy ang aking ex-bf na nagpatangos ng kanyang ilong. Ok naman ang pagkagawa medyo baliko lang. Ngunit marami pa ring katanungan sa aking isipan na wala pa rin kasagutan. Magkano kaya ang aabutin sa pagpapagawa? Maayos kaya ito? Bagay kaya ito sa akin? Ano kaya itsura ko? Hindi kaya mamatay ako dahil dito? Ano ba ang side-effects nito? Kunin na kaya ako ni Mr.M para sa ASAP? Madidiscover na ba ako para sa pagmomodelo? And the list goes on.

Hindi ko malalaman ang kasagutan kung hindi ko ito susubukan. Subalit, ako ay napaisip muli. Natutunan ko kasi na dapat mahalin ang sarili sa kung ano man ang ibinigay ni God. Sa bandang huli, naisip kong wag na nga lang. FINE! Love your own.

Day 07: Favorite Movies

FAVORITE FILIPINO MOVIE

FAVORITE ENGLISH MOVIE

BFC. Ang pinagmulan.

BFC. Ito ay kataga na nagsimula noong 2007 pa. Ano nga ba ang tunay na kahulugan nito at saan ito nagmula?

Marami na itong napagdaanan. Ito ay binuo ng mga magkakaibigan na gusto lang malibang ang mga sarili. Linggo linggo nagkikita ang mga magkakaibigan para mag-share ng kanya kanyang kwento B. Dahil dito, bumuo na rin sila ng sariling website. May mga dance performance na nailagay sa blog. Mayroon ding mga kwentong B na naisulat na dahil sa sobrang EPIC nito. Mayroon ding video. Sa kasawiang palad, nalimutan ko na ang web address nito, pati ang password. Sayang. Sa daming mga sumubaybay dito, nagkaroon na ito ng Fans Club. Kaya ito naging B--- FANS CLUB.

Noong nakaraang taon, Disyember 2010, nabuhay ulit ang BFC. Tinawag itong Boracay Fun C'mon ng mga magkakaibigang nagbakasyon sa Boracay. Pinalitan ito ng Boracay Friends C'mon. Ngayong Pebrero 2011, dapat ay magpupunta sa Baguio ang grupo, tatawagin sana itong Baguio Friends C'mon, ngunit hindi natuloy ang plano. Ngayon ay nagplaplano ang grupo ng magkakaibigan ng puntahan lahat ng lugar na nagsisimula sa B. Bulacan, Bicol, Bohol, at madami pang lugar. Ako ay nagagalak dahil ang BFC ay buhay pa hanggang ngayon. Inaasahan ko ang patuloy na pakikipagsapalaran ng BFC sa mga susunod na buwan at taon, magpakailanman. ♥

Thursday, February 17, 2011

Accountancy. Ano ba ang meron dito?

Minsan, napapaisip ako bakit ko ba kinuha at tinapos ang kursong BS Accountancy. Ang boring ng kursong ito. Ano ba ang meron dito? Naisip ko noon, para ito sa mga nerd lang. Kapag napag-alaman ng mga tao na Accounting student or graduate ka, iniisip agad nila na magaling ka sa numero. Ito rin ang akala ko, na kapag magaling ka sa math, ito ang kurso na para sa iyo. Nagkamali ako. Sapagkat ang mga taong magagaling sa kursong ito ay hindi lamang sa numero magaling, kundi dapat sa lahat ng subjects, lalo na sa pag-analyze at sa wikang Ingles. Una sa lahat, ang hirap kaya intindihin ng mga Accounting Problems/Terms dahil ang lalim at minsan ay iba ang pagkaintindi ko. Dahil jan, unang accounting subject pa lang, bagsak na ako. Naku! Hindi ko na ata mabilang kung ilang beses ako umulit ng subject sa accounting. Nilista ko ito dati sa blog ko sa livejournal eh. Ngunit ayoko na balikan. Hay.

Ano nga ba ang buhay pagkatapos ng BS Accountancy? Ano na nga ba ang nangyare sa buhay ng aking mga ka-blockmates? Hmmmmmm.

Teka. Sa ibang araw ko nalang itutuloy ang topic na ito. Sa sobrang boring parang lumulutang na yung mga letra sa paningin ko. Antok na ko. Magandang Gabi. (02/17/2011 3:26PM EST)

Day 06: A picture of something that makes me happy.

Hmmmmm... this challenge is harder than I thought.

Ang daming larawan na nakapagpapasaya sa akin. Larawan ng aking pamilya sa iba't ibang lugar, larawan ng aking mga kaibigan sa mga good times namin, larawan ng aking paglalakbay, at higit sa lahat - ang aking larawan. Hindi ako vain ah.



Ito ay kuha namin noong December 31, 2010. Masaya ako at sama-sama ang buong pamilya sa huling araw ng taong 2010, at shempre sa unang araw ng 2011. Abot tenga ang aming mga ngiti. BE HAPPY ♥

Wednesday, February 16, 2011

Day 05: A song to match my mood. ♫

♫♫ Can we pretend that airplanes in the night sky are like shooting stars? I really could use a wish right now. ♫♫

Tuesday, February 15, 2011

Day 04: My Loving Parents.

ANG AKING MGA MAGULANG.

Ang aking mabuting AMA at hilaga ng tahanan. Si Don Roberto Jr. a.k.a Jun. Siya ay kasalukuyang nagtratrabaho sa URC Indonesia. Mahusay siya sa halos lahat ng bagay. Matalino. Maabilidad. "Friendly". Matulungin. Mapagbigay. Maalalahanin. Mapagmahal. Kengkoy. Malawak ang kaisipan. At higit sa lahat ay Magandang Lalaki.


Ang ILAW ng tahanan. Ang aking mabuting INA. Si Concepcion o mas kilala sa pangalang Beng. Kasalukuyang nasa Indonesia ang aking mother para magbakasyon. Siya ay masipag. Mapag-alaga. Kahit minsan ay masungit. Mabait sya. Mapagmahal. May kagandahang loob. "Friendly". Maaasahan. Maintindihin. Makulit. Mahilig mag-facebook, magshopping, magtravel. Isa siyang housewife na nakakainggit ang buhay. haha. At higit sa lahat ay mabibighani kayo sa kanyang kagandahang mala-dyosa.
Ako ay nagpapasalamat sapagkat sila ang ibinigay sa akin ng Panginoon bilang aking mga magulang dito sa lupa. Sila ay mapagmahal na mga magulang. Kaya mahal na mahal ko rin sila. ♥♥♥

♥ MY VALENTINES BIRTHDAY 2011 ♥

Maligayang Kaarawan sa akin! ♥ 

Ako ay lubos na nagagalak sa lahat ng nakaalala sa aking espesyal na araw, ang aking kapanganakan.

Una sa lahat, ako ay nagpapasalamat sa Panginoon sa pagbibigay sa aking ng buhay. Pangalawa, salamat sa aking mga magulang dahil ginawa ninyo ako. Salamat sa lahat ng sakripisyo ninyo at sa pag-aaruga. Ako ay nasa aking kinatatayuan sapagkat ako ay pinalaki ninyo ng maayos. Pangatlo, salamat sa aking mga kapatid, kamag-anak, kaibigan at ka-ibigan sa pagmamahal na inyong ibinuhos. Ito ang aking personal na mensahe para inyo ngayong aking kaarawan:


Mom & Dad - Salamat sa regalo at walang sawang pagmamahal!
Jana & Jara - Salamat na rin sa inyo sa pagtanggap sa akin bilang kapatid kahit alam kong ampon kayo. hahaha. Salamat sa mga pang-aapi niyo sa akin, dahil dun naging matibay ang loob ko at nakakayanan ko ang lahat ng umaapi sa akin ngayon. Hinihintay ko pa rin ang regalo niyo sa akin.

Pierre / Pagong - Salamat sa walang sawang pagmamahal sa akin, nawa'y magmahalan pa tayo. Salamat at hindi mo ipinagdamot sa akin ang iyong oras at sinamahan mo ko 3 sunod sunod na araw para sa aking kaarawan. Salamat din sa regalo.



Sa aking mga kamag-anak sa Canada, US at Pinas - Salamat sa pagbati at regalo. Tumatanggap pa rin ako hanggang ngayon.



Sa aking mga twitter at facebook friends, salamat sa pagbati niyo sa wall ko. Dahil sa inyo, napagtantuhan kong maraming nagmamahal sa akin. Pinuno nyo ng pagmamahal ang wall ko. ♥ Sa Barracks na nakasama ko nung Sabado sa Attica, salamat at masaya ako na nakita at nakasama kayo ulit! Hanggang sa muling pagwalwalan!
Kay MAC, na inimbitahan ang sarili sa aming bahay sa aking kaarawan - Salamat sa iyo at dahil sa iyo pumunta ang iba nating kaibigan. Sana ipagpatuloy mo lang ang kagandahang loob mo. Salamat rin sa Absolut Vodka!
Kay Chuck - sa pagsama kay Mac sa pagbili ng yelo at inumin! (Sikreto lang natin na may lihim kang pagtingin kay Mac kaya mo sya sinamahan) - Baka magkatuluyan kayo nyan ah, bagay pa naman kayo.

Kay Pao - Salamat sa pagbili ng hugis pusong cake mula sa Goldilocks. Salamat sa pagpunta sa bahay at ginawa mong greenhills day ang aking kaarawan. May mga nagpajailbreak sayo ng mga iphone at nagpadownload ng games/songs. Singilin mo sila at sisingilin kita sa pwesto. 
Kay BB/Biancs - Salamat sa pagbasag ng mga baso! (joke lang) at sa kanyang kabiyak ng puso na si Goodwell - Salamat sa pagiging maaga sa pagpunta!
Kay DP/Cris - Salamat sa cake galing sa Cheesecake, etc. 
Kay Kim/Ash - Salamat sa pagpunta ninyo, at salamat sa mga larawan mula sa inyong SLR.
Kay Mela a.ka. Toni G at sa kanyang kabiyak ng puso na si Arnan - Salamat sa pagsunod mula sa inyong magarbong date.




Kay Mond - Meron po kaming kubyertos. Hindi po kinakamay ang cake. Salamat sa pagpunta kahit late ka!
Kay Vanessa/Marc/Ge - Salamat sa pagdalo!
Kay Andro - Salamat sa pagsunod at pagdalo!

Muli, ako ay nagagalak sa pag-gunita ninyo sa aking kaarawan. :)

P.S. Thank you for the home-made freshly-baked cookies from Rowell & Jemkin. ILY!