Thursday, February 17, 2011

Accountancy. Ano ba ang meron dito?

Minsan, napapaisip ako bakit ko ba kinuha at tinapos ang kursong BS Accountancy. Ang boring ng kursong ito. Ano ba ang meron dito? Naisip ko noon, para ito sa mga nerd lang. Kapag napag-alaman ng mga tao na Accounting student or graduate ka, iniisip agad nila na magaling ka sa numero. Ito rin ang akala ko, na kapag magaling ka sa math, ito ang kurso na para sa iyo. Nagkamali ako. Sapagkat ang mga taong magagaling sa kursong ito ay hindi lamang sa numero magaling, kundi dapat sa lahat ng subjects, lalo na sa pag-analyze at sa wikang Ingles. Una sa lahat, ang hirap kaya intindihin ng mga Accounting Problems/Terms dahil ang lalim at minsan ay iba ang pagkaintindi ko. Dahil jan, unang accounting subject pa lang, bagsak na ako. Naku! Hindi ko na ata mabilang kung ilang beses ako umulit ng subject sa accounting. Nilista ko ito dati sa blog ko sa livejournal eh. Ngunit ayoko na balikan. Hay.

Ano nga ba ang buhay pagkatapos ng BS Accountancy? Ano na nga ba ang nangyare sa buhay ng aking mga ka-blockmates? Hmmmmmm.

Teka. Sa ibang araw ko nalang itutuloy ang topic na ito. Sa sobrang boring parang lumulutang na yung mga letra sa paningin ko. Antok na ko. Magandang Gabi. (02/17/2011 3:26PM EST)

2 comments:

  1. ok lang nag enjoy ka naman sa gimmicks naten nung estudyante pa tayo haha! :)

    ReplyDelete
  2. hahahaha! I know. Pero ngayon di pa rin ako nag-eenjoy. I am still suffering. haha

    ReplyDelete