Ako ay nasa super gandang mood ngayong araw. Maraming salamat sa aking "alien girlfriend" na si Aileen. Pinuntahan niya ako sa aking bahay para sa isang "girl-bonding-session".
Eto ang mga highlights na naganap:
*Nanood kame ng "It's Showtime". Tawa kame ng tawa kay Vice Ganda. Hilarious! May isang audience na lalaki na nakatulog doon. Tulo pa ang laway. Tawang tawa ako sa linyang ito na sinabi ni Vhong - "Nagkakasiyahan tayo dito ang ingay natin baka nakakaistorbo tayo sa kanya." at Sobrang ganda ni Georgina Wilson.
*Nag-trip kme magphotobooth. Eto ang ibang mga kuha.
*Gumawa rin kami ng video na sobrang tawang tawa kmi sa pinaggagawa namin. Tamang enjoy lang.
*Napagtantuhan namin na nagugutom na pala kme mga 2pm na. Kumain kami ng super late lunch. Nilanggam ang ulam namin na isda, nung hinawakan ko ang plato, nilanggam na rin ako. Sobrang sweet ako, db? Ayon sa mga paniniwala, swerte daw ang itim na langgam. Sana totoo.
And to my alien girlfriend, I love you! Thanks for being with me through good and bad times. Drama much? (Nahihirapan na ko mag-translate sa Tagalog, sa totoo lang ang hirap pala ng pure Tagalog.)
At para sa GOOD VIBES - maari bang mag-stay ka nalang sa akin ng panghabangbuhay?
i had fun! ily! :) good vibes dapat parati! :) mwah!
ReplyDelete