Ako ay isang certified Adik.
Pagkagising at Bago matulog.
Adik sa isang nausong laro o ang tinatawag nila sa wikang Ingles na "Strategy Game". Sobrang nakakaaliw ang larong ito. Sinusubukan nito ang kakayahan ng manlalaro kung paano mapipigilan ang kalaban sa pagkain ng utak na nasa loob ng bahay. Totoo, medyo nakakatakot ang larong ito sa simula sapagkat ang makakalaban mo ay mga "bangkay na buhay" o mas kilala bilang "zombies". Sa pamamagitan ng pag-iipon ng mga araw na nagmumula sa langit o kaya naman sa mga "mirasol", makakabili ka ng mga halaman na may kakaibang kapangyarihan or kakayahan na lumaban sa mga bangkay na buhay. Natapos ko na ang larong ito noong kasagsagan nito taong 2009. Isang malapit na kaibigan ang nagpadiskubre sakin nito sa Subic. (Salamat Marielbee!) Dahil sayo, di ako nakadalo sa "bridal shower" ng aking barkada nung college. Hindi kita sinisisi. Hindi.
At hanggang ngayon ay nilalaro ko pa rin ang "Strategy Game" na ito na mas sikat bilang Plants vs. Zombies. Nasa tawid buhay na paraan or "survival mode" na ako na may bilang na 84 na watawat.
Ang Zen Garden ko ay buhay pa rin. Maraming iba't ibang klaseng halaman. Buti at nakakapag-ipon pa rin ako ng barya upang mapataas ko pa ang Puno ng Karunungan o ang "Tree of Wisdom".
Isang oras na ang nakaraan at nakatulog nanaman ang Kuhol na tagapagkolekta ng barya. Sasabayan ko na rin sya. Ako ay matutulog na.
Magandang Bukang Liwayway!
No comments:
Post a Comment