Friday, February 11, 2011

Nakalunok ako.

Ako ay may ubo pa rin na hindi nawawala. Nung isang araw, may isang taga-opisina mula sa ibang departamento na nakapansin nito at kinamusta kung ok lang ba ako at baka malala na daw ang aking sakit. Tinanong niya kung nagpunta na daw ba ako sa isang manggagamot. Ngayong araw, narinig nanaman nya na inuubo ako at binigyan niya ako ng HALLS. Ito ang larawan ng aking ka-opisinang si Roger. Salamat Roger sa pagbibigay sa akin ng candy.


Habang ako ay nagtratrabaho at kausap si Jemkin sa YM, naubo nanaman ako. Kinain ko ang candy na ibinigay sa akin ng mabuti kong kaopisina. Wala pang ilang segundo ay nalunok ko ang HALLS Soother candy na ito. Wala akong tubig sa aking tabi. Dali dali akong kumuha ng tubig dahil masakit sa lalamunan. Ang layo pa naman ng dispenser. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang candy na nakatambay sa aking lalamunan. Hinihintay ko na lang itong matunaw. Ito ang larawan ng candy na aking NALUNOK. Lintek yan!

No comments:

Post a Comment