Maligayang Kaarawan sa akin! ♥
Ako ay lubos na nagagalak sa lahat ng nakaalala sa aking espesyal na araw, ang aking kapanganakan.
Una sa lahat, ako ay nagpapasalamat sa Panginoon sa pagbibigay sa aking ng buhay. Pangalawa, salamat sa aking mga magulang dahil ginawa ninyo ako. Salamat sa lahat ng sakripisyo ninyo at sa pag-aaruga. Ako ay nasa aking kinatatayuan sapagkat ako ay pinalaki ninyo ng maayos. Pangatlo, salamat sa aking mga kapatid, kamag-anak, kaibigan at ka-ibigan sa pagmamahal na inyong ibinuhos. Ito ang aking personal na mensahe para inyo ngayong aking kaarawan:
Mom & Dad - Salamat sa regalo at walang sawang pagmamahal!
Jana & Jara - Salamat na rin sa inyo sa pagtanggap sa akin bilang kapatid kahit alam kong ampon kayo. hahaha. Salamat sa mga pang-aapi niyo sa akin, dahil dun naging matibay ang loob ko at nakakayanan ko ang lahat ng umaapi sa akin ngayon. Hinihintay ko pa rin ang regalo niyo sa akin.
Pierre / Pagong - Salamat sa walang sawang pagmamahal sa akin, nawa'y magmahalan pa tayo. Salamat at hindi mo ipinagdamot sa akin ang iyong oras at sinamahan mo ko 3 sunod sunod na araw para sa aking kaarawan. Salamat din sa regalo.
Sa aking mga kamag-anak sa Canada, US at Pinas - Salamat sa pagbati at regalo. Tumatanggap pa rin ako hanggang ngayon.
Sa aking mga twitter at facebook friends, salamat sa pagbati niyo sa wall ko. Dahil sa inyo, napagtantuhan kong maraming nagmamahal sa akin. Pinuno nyo ng pagmamahal ang wall ko. ♥ Sa Barracks na nakasama ko nung Sabado sa Attica, salamat at masaya ako na nakita at nakasama kayo ulit! Hanggang sa muling pagwalwalan!
Kay MAC, na inimbitahan ang sarili sa aming bahay sa aking kaarawan - Salamat sa iyo at dahil sa iyo pumunta ang iba nating kaibigan. Sana ipagpatuloy mo lang ang kagandahang loob mo. Salamat rin sa Absolut Vodka!
Kay Chuck - sa pagsama kay Mac sa pagbili ng yelo at inumin! (Sikreto lang natin na may lihim kang pagtingin kay Mac kaya mo sya sinamahan) - Baka magkatuluyan kayo nyan ah, bagay pa naman kayo.
Kay Pao - Salamat sa pagbili ng hugis pusong cake mula sa Goldilocks. Salamat sa pagpunta sa bahay at ginawa mong greenhills day ang aking kaarawan. May mga nagpajailbreak sayo ng mga iphone at nagpadownload ng games/songs. Singilin mo sila at sisingilin kita sa pwesto.
Kay BB/Biancs - Salamat sa pagbasag ng mga baso! (joke lang) at sa kanyang kabiyak ng puso na si Goodwell - Salamat sa pagiging maaga sa pagpunta!
Kay DP/Cris - Salamat sa cake galing sa Cheesecake, etc.
Kay Kim/Ash - Salamat sa pagpunta ninyo, at salamat sa mga larawan mula sa inyong SLR.
Kay Mela a.ka. Toni G at sa kanyang kabiyak ng puso na si Arnan - Salamat sa pagsunod mula sa inyong magarbong date.
Kay Mond - Meron po kaming kubyertos. Hindi po kinakamay ang cake. Salamat sa pagpunta kahit late ka!
Kay Vanessa/Marc/Ge - Salamat sa pagdalo!
Kay Andro - Salamat sa pagsunod at pagdalo!
Muli, ako ay nagagalak sa pag-gunita ninyo sa aking kaarawan. :)
P.S. Thank you for the home-made freshly-baked cookies from Rowell & Jemkin. ILY!
Hi BB. I love you so much! :) Really didnt expect us to be this close and this comfortable with each other.Happy birthday to ya! I love your blog. so funny and the best among the rest!
ReplyDeleteHahahahaha! Thank you for loving my blog! I love you so much toooo! :) I will always be here for you! Be active in blogging na rin para I can read yours naman :)
ReplyDeleteAte Jeni, muli maligayang kaarawan at araw ng mga puso. hinihintay ko pa rin ang libre mo at ang take out ko. Marami akong nakitang cake pero wala ka namang pabalot na binigay kay Pao. Kaya dahil dyan 2 na utang mo sa akin. Hehe.
ReplyDeleteHahahaha sige ipapadala ko jan ang natirang pagkain! Kaya lang si Pao umuwe naman agad. Hindi tuloy niya nabalot! Sayang! Teka, ikaw din nag birthday ka, may utang ka din pala sakin! haha
ReplyDeleteAh o sige may natira pang ice cream sa ref, ipapabalot ko. ipapadala ko na lang sayo. haha. Seriously speaking, pag nagluto na lang ako papadalhan kita.
ReplyDeleteYey thanks Chi chi! Padala mo pag nagluto ka ah! Ngayon ko lang nabasa to!
ReplyDelete