BFC. Ito ay kataga na nagsimula noong 2007 pa. Ano nga ba ang tunay na kahulugan nito at saan ito nagmula?
Marami na itong napagdaanan. Ito ay binuo ng mga magkakaibigan na gusto lang malibang ang mga sarili. Linggo linggo nagkikita ang mga magkakaibigan para mag-share ng kanya kanyang kwento B. Dahil dito, bumuo na rin sila ng sariling website. May mga dance performance na nailagay sa blog. Mayroon ding mga kwentong B na naisulat na dahil sa sobrang EPIC nito. Mayroon ding video. Sa kasawiang palad, nalimutan ko na ang web address nito, pati ang password. Sayang. Sa daming mga sumubaybay dito, nagkaroon na ito ng Fans Club. Kaya ito naging B--- FANS CLUB.
Noong nakaraang taon, Disyember 2010, nabuhay ulit ang BFC. Tinawag itong Boracay Fun C'mon ng mga magkakaibigang nagbakasyon sa Boracay. Pinalitan ito ng Boracay Friends C'mon. Ngayong Pebrero 2011, dapat ay magpupunta sa Baguio ang grupo, tatawagin sana itong Baguio Friends C'mon, ngunit hindi natuloy ang plano. Ngayon ay nagplaplano ang grupo ng magkakaibigan ng puntahan lahat ng lugar na nagsisimula sa B. Bulacan, Bicol, Bohol, at madami pang lugar. Ako ay nagagalak dahil ang BFC ay buhay pa hanggang ngayon. Inaasahan ko ang patuloy na pakikipagsapalaran ng BFC sa mga susunod na buwan at taon, magpakailanman. ♥
No comments:
Post a Comment