Sampung taon ang nakakaraan nung ako ay FROSH pa lamang. Parang LPEP pa lang at nakilala ko pa lang ang aking blockmates from BS Accountancy Block C32. Namimiss ko ang pag-aaral sa kolehiyo. Wala ka lang iisipin kundi mag-aral ng mabuti at kung saan ang gimik. Ito pa ang panahon na laser pa ang barcode ng ID namin, hindi gaya ngayon na ewan ko paano na ba dahil masyado na hi-tech. Ang tambayan namin ay sa conserv at LS bench or yung 2nd floor dun sa LS bldg na tambayan ng JPIA. Wala na ata yun ngayon. Naabutan ko pa yun Gym Paredes sa tapat ng LS Bldg na ngayon ay kinatatayuan na ng Yuchengco. Ang aristo na paborito kong tambayan na kainan ay Animo Canteen na daw ngayon. May cafe dun sa loob, iba na rin ba yun? Parang kailan lang, sampung taon na pala.
Block C32 Class Picture
STUDIO PIC noong kaarawan ko
Studio pic mula sa Studio doon sa tapat ng Chowking kung andun pa yun ngayon
Kasagsagan ng UAAP
FINALS 2002 Ticket ng DLSU vs ADMU
na pinilahan namin ng isang buong araw (literally) at hindi kami pumasok sa klase pero natalo naman.
hahahaha... muntik k ng maging gurang sa mga sinasabi mo!hahaha
ReplyDeleteActually, I don't deny it.. I'm old enough. hahahahaha :)
ReplyDelete