Wednesday, February 23, 2011

Day 10: Something I am afraid of.

Takot ako sa halos lahat ng bagay. Masama bang matakot? Eh sadyang matatakutin lang talaga ako.

Wala kayong makita noh? Sapagkat takot ako sa dilim.

Takot ako sa mga ipis at sa mga lumilipad at gumagapang na insekto.

Takot ako sa kamatayan. Sino bang hindi? Ano kaya ang buhay pagkatapos nito? Wahhh iniisip ko pa nga lang natatakot na ko eh. Wahhhhhhhhhh!

Ito ay ilan lamang sa mga bagay na aking kinatatakutan. Naalala ko nga nung minsan na tinakot ako ng aking kapatid. Ako ay nasa aking kwarto at biglang may parang tumatawag sakin, sabi ay "ppssssstttt". Lumingon ako at wala namang tao sa kwarto ko. Sa sobrang takot ko ay napatakbo at napasigaw ako ng malakas  habang nakataas ang dalawang kamay na nagwawagayway. Imajinin nyo nalang dahil wala akong letrato nun eh. Sobrang tawang tawa si Jarra, dahil siya lang pala yun. Tapos isang beses ay nagsuot siya ng itim na damit na suot ni kamatayan. Biglang sumilip sa aking kwarto. Ako ay nagsisigaw ng malakas sa takot. Nainis nga ako sa kanya. Alam na nga matatakutin ako, pinagtritripan pa ko.

2 comments:

  1. wahahahaha...sana nakunan ng pic ni jarra un sweetiepie! :))

    ReplyDelete
  2. hahaha naku buti nalang hindi sweetiepie! Ikaw pala si Anonymous?? Marealize kaya nila na ikaw si sweetiepie na nagtatago sa pangalang Anonymous ay iisa pati si Rick Jayson? hahahahahahhaa

    ReplyDelete