BAG RAID! Eto ang laman ng aking bag.
Ang aking BB :) Ito ay ginagamit ko sa aking pakikipagkomunikasyon sa aking mga kaibigan. Sa pamamagitan nito ay nakokontak ako sa pamamagitan ng tawag, teks, YM, BBM, twitter at FB. Mabilis nga lang ito maglowbat pero ito ay sobrang useful.
Ang aking wallet na walang lamang cash, puro resibo at cards lamang at ang aking kyut na pink staedtler triplus fineliner.
Ang susi ng bahay. Kung wala ito ay hindi ako makakapasok ng bahay sapagkat madalas akong umuuwe ng madaling araw dahil sa oras ng aking trabaho. At keychain na kasama nito ay ibinigay ng aking mabuting kaibigan na si Jesse. Pasalubong niya ito galing hongkong. Ito ay useful dahil maaari din itong gamitin bilang pangbukas ng bote.
Ang mahiwagang alcohol. Ako ay clean freak at gusto ko na lagi ako naglalagay ng alcohol, hindi pwedeng maiwanan ito sa bahay, mahirap na.
Pagtapos mag alcohol ay nag-dadry ang kamay ko kaya kailangan lagyan ko ng "moisturizing hand lotion" na anti-bacterial din. Ito ang White Citrus Handibac mula sa Bath and Body na ibinigay ng aking butihing tita na si Tita Gay. Ang isa naman ay Cocoa Butter and Vanilla na Hand & Nail Cream mula sa Marks & Spencer na binigay ng aking mga kaibigang sina Sugar, Alvin at Sharleen.
Ang aking "kikay kit" ay hindi mawawala sa aking bag. Hindi halata pero minsan ay maarte din ako. Nagmana ako sa aking girlfriend. Ang eyelash curler kong mula sa Shu Uemura na isang regalo noong pasko noong exchange gift. Ang aking lip conditioner na aking pinakapaborito, ang light pink na lipstick, ang cremesheen glass na lipgloss at ang studio fix powder na lahat ay mula sa MAC. At ang huli ay ang safety pin na pang-emergency.
Ang aking Benetton scent na pangpabigat ng bag.
Ang aking calculator na dinadala ko simula kolehiyo pa lamang.
At ang panghuli ay ang aking pink itouch na hindi ko ma-rotate ang letrato. Hindi rin ito maaaring maiwan sa bahay sapagkat ito ay useful sa akin sa lahat ng bagay. Minsan ay nalowbat ang aking BB at magkikita kami ng aking kaibigan, nakasagap ako ng wi-fi sa isang gas station at nag-twitter ako gamit ito. Nagkita kami kahit lowbat ang aking BB. Salamat sa itouch.
special mention ako ah hehe! :) get me the lip conditioner sa duty free next time ha? :)
ReplyDelete