Saturday, February 19, 2011

DUMADAMOVES.

Natawa ako ng mabasa ang salitang ito. Ano nga ba ito? Tara, analyze natin!

Ayon sa aking stock knowledge, ito ay gawain ng mga kalalakihan. (Warning: basahin sa tamang pronunciation ang salita upang hindi ma-mislead) Maari din naman gawin ng kababaihan kung ang isang babae ay tinatawag na "aggressive".

[Teka lang, commercial. May nagtext sa akin. Naiinis ako at dapat bang pakialaman kung bakit ako blog ng blog. Eh gusto ko eh! Bahala nga siya.]

Ito ay ilang halimbawa lamang ng mga taong "Dumadamoves".

- Araw ng puso: Ang pagbibigay ng bulaklak/card/chocolates/regalo ay ipinapadaan sa laiason (sa aking wika ay tinatawag itong focal point/person) at hindi ipinapaalam na sa kanya ito nanggaling. Ang taong ito ay sikretong dumadamoves.

- Araw din ng mga puso: Magbibigay ang isang lalaki ng regalo sa babae dahil nakita nito sa status sa facebook o twitter ang gustong pagkain, gamit o something lang ng babaeng nagugustuhan.Madaming pogi points ito, dahil sweet ang damoves na ito. Ume-effort ang lalaki sa paghanap ng gusto ng babae.

- Kapag may problema ang isang babae: Ang lalaki ay gagawa ng paraan para maging "emotional basket" ng babaeng sawi sa pag-ibig. Kunwari ay tatawag ito or makikipagkita over dinner para pagusapan ang problema, pero ito ay dumadamoves para mapalapit sa kanya ang babae.

- Ang isang lalaki ay magyayaya ng get-together ng isang grupo kung saan kasama ang kanyang crush, ito ay simpleng dumadamoves.

- Aalamin ng lalaki ang paboritong pagkain ng babae, at kunwari ay napadaan sa lugar na malapit sa tirahan ng babae. Idadaan nito ang paboritong pagkain dahil "on the way" naman daw. Dumadamoves ito.

- Paano dumadamoves ang mga babae? Ang isang babae ay magpapapansin via twitter/facebook/instant message para kung sakali ay magrereply o magrereact ang kanyang crush. Ito ay simpleng damoves lamang, ngunit ito ay siguradong epektibo. Tried and tested.

- Maaari din na magparinig sa isang social networking site sa pamamaraan ng isang kanta na ang lyrics ay naglalaman ng mensahe na gustong iparating sa crush nito.

Ngayon, sana ay napag-alaman ninyo kung isang tao ay dumadamoves sa inyo. Kung gusto nyo pa ng advice upang ang damoves ay epektibo, i-message lang ako dito.

Disclaimer: Ang mga halimbawa ay general situations at walang pinapatamaan sa kung sino man ang makakabasa ng blog ko.

4 comments:

  1. bwahaha! i super like this entry, gf kina-career mo ang blogging ha, baka yumaman ka dito hehe!

    ReplyDelete
  2. haha! hindi ko naman kina-career to. Just something to look forward to everyday. Tayo-tayo lang ang may alam nito, remember? haha

    ReplyDelete
  3. at ngayon. alam ko na rin. bruhahahahahahaha!!!
    kuya kim este jen, good job! napaganda mo ang gabing ito dahil sa entry na to

    ReplyDelete
  4. di lahat ng yan ay tama. maaaring ganun lng talaga sya sa mga kaibigan nya.di sya dumadamoves, sya ay isa lamang mabuti at maaalalalahaning kaibigan. pero ako ay natuwa sa blog mo!hahahaha

    ReplyDelete