Monday, December 19, 2011

Kwentong ROXY.

Isang araw. Naiwan ko ang aking lumang cellphone sa bahay.

Tumawag ako sa bahay at nakausap si Ate Roxy (ang dakila naming mayordoma).

Ako: Ate Rox, naiwan ko ata yung cellphone ko sa bahay yung nokia lang, pakicheck naman kung asan...

Ate Roxy: Sige hanapin ko..

Ako: Sabihin mo kay Jana paki-bbm nalang ako kapag nahanap mo na..

Ate Roxy: Sige sabihin ko..

Ilang oras na ko naghihintay ng BBM kung nakita ang aking cellphone.. Wala akong natanggap na mensahe hanggang sa nakauwe na ko ng bahay. Nakita ko ang Nokia cellphone ko sa kwarto ko at doon nabasa ko ang text message ni Ate Roxy.

"Jen, naiwan mo nga ang cellphone mo sa kwarto mo."

Nye!!!!!! Naiwan ko nga tapos nagtext pa sya! Naiwan ko nga eh, pano ko naman mababasa yung message!!!

Yun lang. Bow. hehe

Don't Take This for Granted by Stephanie Georgopulos

People should not be taken for granted — not the ones who raised you, not the ones who ground you, not the ones who love you. Not the stranger who chased you for a half-block to tell you you’ve dropped something, not the one who holds the door for you, not the one who asks you if you’re feeling okay or the one who asks you to dance. Their actions are not inconsequential; they are what it means to be human, a state so common that it’s rather easy to forget how extraordinary it can be. Don’t. Remember it always, remember how bland and unsatisfactory and meaningless life would be without humanity.

The time someone stood in front of you and nakedly, candidly told you how they felt about you; the time someone let you cry for minutes, hours, because you couldn’t do it alone anymore; the time someone asked how you were and wanted to listen to the answer. Don’t take this for granted, because moments like these don’t come in bulk.

Sunday, December 11, 2011

A KoreaNovela: Winter Sonata ♥

My South Korea Escapade.

6AM Touchdown at Incheon Airport at 1 degree celcius with My sister, her boyfriend and my Previous manager. This was our first time and it was Freezing cold. Here are some places we visited in Seoul.

At Myeong Dong Shopping Town. This is also known as the Shopping Mecca of Seoul Korea.
At Namsangol Hanok Village, Seoul Korea.
 

At Namsan Tower.

At Everland Resort. Entrance Fee for Adults is at 38,000 won.

At National Palance Museum of Korea.





At Nami Island.





Our three-day trip was a lot of fun yet tiring. I would definitely go back to South Korea, but not winter season.

Annyeong Haseyo!

MY Starbucks Planners.

Ito ang aking koleksyon ng Starbucks Planners simula 2006.

Ang aking kauna-unahang SB Planner.
2007 SB Planner. Pinaka-ginamit ko sa lahat, puno ito ng larawan at kwento.
2008 SB Planner. Dinikitan ko ng La Salle Sticker sa loob.
2009 SB Planner. Mayroon ding pula at asul na kulay, ngunit mas pinili ko ang itim.
2010 SB Planner. Ang planner na nilagyan ko ng cinema tickets ng lahat ng aking pinanood.
2011 SB Planner. Ang planner na wala akong naisulat at hindi ko nagamit sa kadahilanan na may Belle de Jour Power Planner ako na mas nagamit ko.
2012 SB Planner. Gawa ito sa Cherry Tree. Sisiguraduhin kong gagamitin ko ito sa 2012, inuumpisahan ko nang sulatan ng mga mahahalagang araw katulad ng Holidays.


Thursday, September 8, 2011

KALURKEY.

Ako ay tuwang tuwa sa pinanood kong pelikulang "ZOMBADINGS". Nakakalurkey talaga ang mga salitang bading. Ako ay nagtataka, saan nga ba nagmula ang mga salita nila at meron ba silang diksyonaryo?

Sa aking paghahagilap, noong 1960s pa daw ay laganap na ito at tinawag na "Swardspeak". Ayon sa pagsusuri ng ethnography ng mga bading sa Dumaguete, ang "bayotspeak" ay ginagamit ng mga bading bilang "secret code" upang sila-sila lang ang makaintindi ng pinaguuspan nila. Ngayon, ang salitang bading ay mas kilala bilang "Gay Lingo".

Ang mga bading ay mayroon ngang diksyonaryo na tinatawag nilang BADINGTIONARY o BAKLABULARYO. Ang galing!

Susubukin kong gumawa ng pangungusap gamit ang Badingtionary/Baklabularyo.

Ito ang iyong sasabihin sa kaibigan mong naging kaaway mo dahil inagaw ang bf mo:
"Ang chaka ng anaconda na purita gonzales na may baley sa iskuala lumpur. Napaka-pilita corales! Chipangga naman. Kiber!"

In fairness, ang hirap pag-aralan ng wika nila. Klapeypey-klapeypey sa inyo!

Echoz!

Wednesday, August 17, 2011

Kwentong POST-IT.

Isang araw. Umalis ng bahay ang aming mayordoma, na itago natin sa pangalang Richel Castro, at iniwan ang bahay na walang tao. Nung nakauwe na ng bahay ang aking nanay, ay ito ang sumalubong sa kanya sa pinto.

Isang post-it note na nakapaskil sa may hawakan ng pinto. Ito ang nakasulat. "Ati, kong wala kang sosi, nasa mailbox ang sosi."

Tamang sabaw lang ang mayordoma namin.Sana iniwan na lang nya mismo ang susi sa door knob! Nagsulat pa talaga ng note sa post-it.

Hindi po ito kanais-nais na tularan. Patnubayan po ang ating mga kasambahay.

Tuesday, August 16, 2011

VACATION HANGOVER.

The worst part of having a great vacation is the HANGOVER. Mind is not functioning well and Body is aching all over. In short, ang hirap bumalik sa trabaho.

SPEECHLESS.

Wala akong masabi. I'm speechless. Bow.

Thursday, August 4, 2011

DEBITS = CREDITS

In accounting, we learned that the debit account should always have a corresponding credit account making the Trial Balance equal at the bottom figure. Sa tagalog, bangga bangga lahat.

This equation just means that everything should be balanced not just in the financial aspect but also in real life. Sometimes, we focus too much on one thing that we do not realize how much we're missing on other aspects. In the end, we struggle hard trying to figure out what went wrong. Nasa huli ang pagsisisi.

At some point, we focus more on our friends, work or leisure rather than spending time with our family. We disregard their presence and ignore their care. And we long for them when it's already too late. Sad, but most of the time, its true. Tama na nga, ayoko na mag-drama.

My point is, I'm grateful that I realized it before its too late. The balance of life.

I believe that I worked hard enough to deserve a long vacation break with my fambam. I just can't wait until I wake up and pack my stuffs in the morning. Jakarta and Singapore, get ready for us! We're coming! ♥

To my family, I love you guys so much!

Tuesday, July 26, 2011

LOUD & PROUD.

B.S. ACCOUNTANCY has been chosen as the toughest course among all the courses including MBBS, BCOM, IAS , IPS and ENGINEERING by the Guinness Book of World Records on 18 MAY 2011 .

It has 64 university exams + 130 series exams + 174 assignments within 4 years (max 1000 working days ).

To all accountants, be proud! i AM!

Crying over you.

Tuesday, July 19, 2011

P&P Solutions.

Kanina, habang ako ay nagbabasa ng email, nakita ko ito.


Aba! Gumawa na ba sila ng kompanya laban sa akin? Nagtag-team pa sila! Sige, magsama kayo! Parang nang-aasar tong kompanya na to saken eh.

Talagang may TAGLINE pa! "Your partner in success", hindi ba dapat failure?
Ano kaya ang gusto nilang bigyan ng solusyon? Nakakapagtaka lang. Ah alam ko na! Baka mga solusyon, on how to heal a broken heart? O di naman kaya solusyon para sa successful relationship?

Ano kaya kung subukan kong magtrabaho dito? Just a thought.

Wednesday, July 13, 2011

PLANKING CRAZE.

PLANKING (Wikipedia) - known as the "Lying down game", which involves lying face down with arms to the sides in unusual public spaces.


Dahil gusto ko rin gawin ito, sinimulan ko muna magpraktis sa loob ng aming bahay. 


Planking, GAME ON!

Tuesday, July 12, 2011

MY FRIENDS AS TAGLINES.

Ang buhay nga naman. Hindi sa lahat ng oras ay POPCOLA, always tama ang timpla. Minsan masaya at minsan makakaranas tayo ng kaganapan na magpapa-DATU PUTI sa atin, mukhasim talaga. Sa mga oras ng kalungkutan ay mas madalas na takbuhan natin ang ating mga kaibigan. Parang JUICY FRUIT GUM, in times like this, kailangan natin ng kaibigan. A friend’s companionship is like CINDY’S, the best place to be. At kapag kasama mo ang iyong kaibigan, alam mong METROBANK, you’re in good hands.

Sa mga oras ng kalungkutan, ang aking mga kaibigan ay LIPOVITAN, always gets me going, dahil sila ay laging may VICKS, haplos ng pagmamahal. Lagi nila sinasabi sakin - SM, we got it all for you, but alalahanin ko pa rin daw na GLOBE, it's all in your hands. Sabi pa nila SPRITE, magpakatotoo ka! They never fail to GLADE, fill the air with love. At dahil RED HORSE, ito ang tama!, talagang PALMOLIVE SHAMPOO, I can feel it...yeah! Kaya ako ay JOHNSON'S BABY SHAMPOO, no more tears! Maraming salamat dahil kayo ay GENERAL ELECTRIC, you bring good things to life!

Para sa aking mga mahal na kaibigan, ang friendship natin ay parang MOTOLITE, siguradong pangmatagalan, at BANCO PILIPINO, subok na matibay subok na matatag, dahil kayo ay parang HBO, simply the best. Dahil SMB, iba ang may pinagsamahan, kayong mga friendships ko ay NIDO, you're my number 1! 

Kaya lagi kayong mag-BIOGESIC, ingat! Keep up being SMART, Simply Amazing! 

Monday, June 20, 2011

COST ANALYSIS vs RELATIONSHIPS.

Usually ang cost analysis ay ginagamit to predict future costs. This is based on actual costs that already incurred in the past. Maaaring gumamit ng High Low Method or Least Squares Regression. Maaari din pala itong i-apply sa totoong buhay.

Isang magandang halimbawa. Ang mga naganap na pangyayari sa isang relationship ay maihahalintulad dito. Kung sa unang taon ng inyong pagsasama ay hindi nagloko ang BF/GF mo, 100% sure ka na susunod na taon ay hindi ito magloloko. Ngunit, kung ang BF/GF mo ay nagloko ng tatlong buwan sa loob sa pangalawang taon nyo at nagloko naman ng anim na buwan sa pangatlong taon nyo. Sa pang-apat na buwan naman ay nagloko siya ng 9 na buwan. Maaari tayong magpredict kung ilang buwan siya maaaring magloko sa pang-limang taon ng inyong pagsasama. Ito ang summary sa ibaba:
1 - 0/12 o 0%
2 - 3/12 o 25%
3 - 6/12 o 50%
4 - 9/12 o 75%
5 - ??????

Makikita natin ang porsyento ng pagloloko ng BF/GF. Kung i-analyze natin ito, may posibilidad na magloko sa panglimang taon ninyo ang BF/GF ninyo ng 37.5% o 4.5 na buwan based sa actual na pangyayari. Kaya wag nating i-disregard ang actual na pangyayari sa past dahil maaari natin magamit ito sa pagpredict ng future. Kapag ginamit natin ito sa totoong buhay, malamang ay mas maganda ang magiging desisyon natin.

NGUNIT, maaari din naman na sa pang-limang taon ay hindi na magloko ang BF/GF kung may mangyaring tinatawag na significant change. Ito ang mga pangyayare na makakapagpabago sa isang relasyon for the better. Sana nga totoo.

Yun lang. Ingat ingat. :)

FALLING IN LOVE.


FALLING IN LOVE....WITH LIFE ♥

Friday, June 17, 2011

I am the CAPTAIN.

Note to self.


YOU are the CAPTAIN of your ship.
You are responsible for your own happiness.
Also, You are responsible for your own misery.
It is up to you to decide what you want and what to do with it.
If something goes wrong, do not blame other people.
Stop blaming yourself, too. Forgive yourself.
Learn from your mistakes and experiences.
Let go of the past and all the hang-ups.
Stop talking about the past. Past is past.
Do not hold on for so long for something that you do not even have.
Enjoy what you have today, it might not be there tomorrow.
People come and go, it is just the way it is.
Do not be afraid to be alone. Explore!
Do not make life more complicated.
Focus on your goals and YOUR LIFE.

Note that I keep on saying YOU YOU YOU.
Remember that LIFE is all about YOU and not someone else.
Be happy with yourself.
Just then, you will be able to make others happy.
And they will make you happy as well.
In short, everybody happy.

GOOD VIBES! Keep them coming!

Thursday, June 16, 2011

NOTE TO SELF: NO TURNING BACK.


Take a chance in those wonderful words you just don't understand.
I can show you the way but I know that you'll never be there.
All the time, all the shine of your eyes I would never forget.
All I know there's no time, there's no life, there is no turning back.


SMILE ü

YOU MAKE ME SMILE :)


You're better then the best
I'm lucky just to linger in your light
Cooler than the flip side
Of my pillow, that's right

Completely unaware
Nothing can compare to where
You send me, lets me know that it's okay
Yeah, it's okay
And the moments where my good times start to fade

You make me smile like the sun, fall out of bed
Sing like bird, dizzy in my head
Spin like a record, crazy on a Sunday night

You make me dance like a fool, forget how to breathe
Shine like gold, buzz like a bee
Just the thought of you can drive me wild
Oh, you make me smile

Even when you're gone,
Somehow you come along just like
A flower pokin' through the sidewalk crack
And just like that
You steal away the rain, and just like that

You make me smile like the sun, fall out of bed
Sing like bird, dizzy in my head
[- From: http://www.elyrics.net/read/u/uncle-kracker-lyrics/smile-lyrics.html -]
Spin like a record, crazy on a Sunday night

You make me dance like a fool, forget how to breathe
Shine like gold, buzz like a bee
Just the thought of you can drive me wild
Oh, you make me smile

Don't know how I lived without you
'Cause every time that I get around you
I see the best of me inside your eyes
You make me smile

You make me dance like a fool, forget how to breathe
Shine like gold, buzz like a bee
Just the thought of you can drive me wild

You make me smile like the sun, fall out of bed
Sing like bird, dizzy in my head
Spin like a record, crazy on a Sunday night

You make me dance like a fool, forget how to breathe
Shine like gold, buzz like a bee
Just the thought of you can drive me wild
Oh, you make me smile
(Oh, you make me smile)
Oh, you make me smile
(Oh, you make me smile)
Oh, you make me smile

Wednesday, June 15, 2011

100 YEARS.

THIS CALLS FOR A DOUBLE CELEBRATION!

DLSU @ 100

IBM @ 100
                

Tuesday, June 14, 2011

WAITING FOR THE END.


This is not the end
This is not the beginning,
Just a voice like a riot
Rocking every revision
But you listen to the tone
And the violent rhythm
Though the words sound steady
Something empty's within 'em

We say Yeah!
With fists flying up in the air
Like we're holding onto something
That's invisible there,
'Cause we're living at the mercy of
The pain and the fear
Until we dead it, Forget it,
Let it all disappear.

Waiting for the end to come
Wishing I had strength to stand
This is not what I had planned
It's out of my control....

Flying at the speed of light
Thoughts were spinning in my head
So many things were left unsaid
It's hard to let you go...

(Oh!) I know what it takes to move on,
I know how it feels to lie,
All I wanna do
Is trade this life for something new
Holding on to what I haven't got

Sitting in an empty room
Trying to forget the past
This was never meant to last,
I wish it wasn't so...

(Oh!) I know what it takes to move on,

I know how it feels to lie,
All I wanna do
Is trade this life for something new
Holding on to what I haven't got

What was left when that fire was gone?
I thought it felt right but that right was wrong
All caught up in the eye of the storm
And trying to figure out what it's like moving on
And i don't even know what kind of things I've said
My mouth kept moving and my mind went dead
So, picking up the pieces, now where to begin?
The hardest part of ending Is starting again!!

All I wanna do
Is trade this life for something new
Holding on to what i haven't got...

This is not the end
This is not the beginning,
Just a voice like a riot
Rocking every revision
But you listen to the tone
And the violet rhythm
Though the words sound steady
Something empty's within 'em
(Holding on to what i haven't got)

We say Yeah!
With fists flying up in the air
Like we're holding onto something
That's invisible there,
'Cause we're living at the mercy of
The pain and the fear
Until we dead it, Forget it,
Let it all disappear
(Holding on to what i haven't got!)

TROPHY GF.

Trophy Girlfriend, is there such a term?

Unang pagkakataon kong narinig ang mga salitang ito. Ako ay nag-agam agam kung ano ang ibig sabihin nito. Ayokong magtanong sa iba kong lalaking kaibigan kaya ating himayin ang salitang ito.

Base sa salitang "trophy", ito ay naglalarawan ng tagumpay ng isang tao. Hindi ba nakukuha ang tropeyo sa isang paligsahan na pinaghihirapan pagkatapos ay i-didisplay lang naman ito sa bahay para maipakita o maipagmayabang sa mga bisita sa bahay?

Masasabi mo ba na ang isang trophy girlfriend ay isang magandang babae na pinaghirapan mong makuha sa gitna ng maraming ka-kompetensya, pagkatapos ay ipagyayabang mo ito sa iyong mga kaibigan? Sa kabilang dako naman, ito ba ay isang babaeng pang-display lamang dahil sa hugis ng katawan na may balingkinitang bewang at makinis na kutis? Ito ba ay yung mga babaeng inuuwe sa bahay na sinasabing "wife material"? Ano nga ba talaga ang trophy girlfriend sa mata ng mga kalalakihan?

Hindi ko alam ang kasagutan kung ano nga ba ito talaga. Maaaring maganda ang kahulugan nito, depende na lang siguro sa taong nagbibigay ng kulay dito.

Guys, sabihin niyo nga sakin, anong tingin nyo sa isang trophy girlfriend?
Girls, ano naman ang reaksyon ninyo kapag sinabihan kang isang trophy girlfriend?

Let me know your thoughts.

GYM PAREDES.

Ano ba yan! Naisahan ako ng aking malapit na kaibigan na para ko na ring kapatid na itatago ko sa pangalang Al Christian Domingo o a.k.a. "Crooch".

Kahapon ay habang kami ay naguusap tungkol sa mga pagbabago sa DLSU, nabanggit ko na naabutan ko pa yung lumang gym na kinatatayuan ng Yuchengco ngayon. Sabi ni crooch, Gym Paredes daw. Sapagkat ako ay gullible, paniwalang paniwala ako na ito ay totoo. At dahil dito, naisulat ko sa previous blog entry ko na ang pangalan ng lumang gym ay Gym Paredes, hinanap ko pa sa chat transcipt.


Hanggang kanina ay bumabaybay ako sa dakong libis. Nakita ko ang isang malaking billboard. May concert daw. Ang pangalan ng artista ay si JIM PAREDES. Ako ay napaisip ng matindi. Parang naisahan ako dun ah. Nag-agam agam ako kung joke lang yung GYM PAREDES. Napatawag ako kay Crooch upang i-confirm sa kanya kung tama ang aking teorya na joke lang yun. Tama nga! Tawang tawa ako sa aking sarili. Na-slowness nanaman ako dun. Kaya daw pala di ako tumawa o nagreact nung binanggit niya yun.

Just for laughs! Good vibes everyone! ♥

Monday, June 13, 2011

GUNITA.

Sampung taon ang nakakaraan nung ako ay FROSH pa lamang. Parang LPEP pa lang at nakilala ko pa lang ang aking blockmates from BS Accountancy Block C32. Namimiss ko ang pag-aaral sa kolehiyo. Wala ka lang iisipin kundi mag-aral ng mabuti at kung saan ang gimik. Ito pa ang panahon na laser pa ang barcode ng ID namin, hindi gaya ngayon na ewan ko paano na ba dahil masyado na hi-tech. Ang tambayan namin ay sa conserv at LS bench or yung 2nd floor dun sa LS bldg na tambayan ng JPIA. Wala na ata yun ngayon. Naabutan ko pa yun Gym Paredes sa tapat ng LS Bldg na ngayon ay kinatatayuan na ng Yuchengco. Ang aristo na paborito kong tambayan na kainan ay Animo Canteen na daw ngayon. May cafe dun sa loob, iba na rin ba yun? Parang kailan lang, sampung taon na pala.

Block C32 Class Picture

STUDIO PIC noong kaarawan ko
Studio pic mula sa Studio doon sa tapat ng Chowking kung andun pa yun ngayon

Kasagsagan ng UAAP
FINALS 2002 Ticket ng DLSU vs ADMU
na pinilahan namin ng isang buong araw (literally) at hindi kami pumasok sa klase pero natalo naman.



Sunday, June 12, 2011

ULIT-ULITIN KO NG PAULIT-ULIT.

Ang kulit.
Uulitin ko ng paulit-ulit.
Kahit na ang daliri ko ay maipit.
Uulit-ulitin ko pa rin ng paulit-ulit.
Kahit na ang dila ay mapilipit.
Ulitin ko pa rin siya ng paulit-ulit.
Kahit ako ay makalbo hanggang anit.
Uulitin ko pa rin ng paulit-ulit.
Kahit na ang utak ay mapunit.
Uulitin ko talaga ng paulit-ulit.
Hanggang sa matuto ako ng sobrang lupit.
Uulitin ko siya talaga ng paulit-ulit.
Hanggang ang kasiyahan ay umabot hanggang langit.
Uulit-ulitin ko pa rin ng paulit-ulit.
Hanggang ang tagumpay ay aking makamit.

Di ko ito titigilan. Hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Ang mga kamalian sa unang beses ay dapat maging gabay upang sa susunod ay hindi na magkamali. Ang lunas dito ay ulit-ulitin ng paulit-ulit para masanay at matuto upang hindi na magkakamali sa susunod.

Isang bagay lang naman ang hindi ko uulit-ulitin ng paulit-ulit. Alam niyo na yun.

HAPPY INDEPENDENCE 2011

Maligayang Araw ng Kalayaan! Dapat pala akong sumama sa piging dahil kailangan kong ipagbunyi ang aking kasarinlan o ang hindi pag-asa sa iba. Ooopps, wag na kumontra. Ako ay malaya!

Dahil dito, ito ay isang kanta na gusto kong ibahagi para sa iyo. Oo, ikaw nga! I say, FREEDOM!

ACCOUNTING 101 IN TAGALOG

Napagtantuhan ko lamang na kung tagalog ang gagamiting pangunahing wika sa accounting ay talagang mahihirapan ang mga estudyante na intindihin ito. Nakakadugo ng ilong. Sinubukan kong gawing pangungusap ang ilan sa mga terms. Ito ay ilan sa halimbawa.

Inumpisahan ko sa accounting equation.
In english, the asset is equal to capital plus liabilities. In tagalog, ang ari ay katumbas ng kapital para sa pangbayad ng mga utang.

In english, the fixed asset is to be depreciated over a 10-year period of time. When it is fully depreciated, the asset will be dispensed. In tagalog, ang aring nakatirik ay lalaspagin sa loob ng sampung taon. Kapag ito ay laspag na laspag na, ang ari ay nilabasan.

In english, cash was received upon selling of an asset. In tagalog, nakakuha ng pera nang ibenta ang ari.

In english, correcting multiple entries should be made for the erroneous entries of earning assets. In tagalog, dapat itama ang labas pasok para sa mga maling pagkapasok ng ganadong ari.

*Hindi sinadya maging bastos ang mga pangungusap. Ginamit ko lamang ang mga katumbas na salita mula sa previous post ko. Pasensya kung may ma-offend.

Ako ay lubhang nahirapan sa pag-translate ng mga ito. Nagpapasalamat ako at dahil wikang Ingles ang ginagamit sa accounting. Kung tagalog pala ang ginamit, di ako makakapag-aral ng mabuti dahil sa mga katumbas na salitang ito.

Hanggang sa muli!

Wednesday, June 8, 2011

LAZY DAY.


NAKAKATAMAD BUMANGON! ANG SARAP MATULOG DAHIL MAULAN! SALAMAT SA "SUPERSLEEP" TABS DAHIL MAHIMBING ANG TULOG KO.

VARIANCES.

Iba-iba nga talaga ang mga tao sa mundo.

May mabait, may masama. May sobrang bait.
May pasenshoso, may hindi.
May masungit na pangit.
May cute na mahinhin.
May mahinhin.
May tamad.
May masipag.
May matiyaga.
May breeding at wala.
May mataba, may payat.
May chismoso.
May walang pakialam.
May chonggo, este mukang chonggo.
May mayaman, may mahirap.
May mahirap pakisamahan. Pero no choice ka dahil kailangan.
May maintindihin. May makitid ang utak.

Kung patuloy kong isusulat ang mga klase ng tao sa mundo, malamang na hindi na ako matapos dito. Ang buhay ay pakikipagsapalaran sa iba't ibang klase ng mga tao.

Tuesday, June 7, 2011

GEEKY ME.

Nung ako ay muling sumabak sa pagbabalik aral, napagtantuhan kong dapat ko na patignan ang aking mga mapupungay na mata. O walang kokontra. Kapag tumitingin ako sa puting pisara, nanlalabo ang aking paningin. Kaya napagpasiyahan kong bumisita muli sa optical store. Kung hindi ninyo nalalaman, ako ay dati nang nagsusuot ng salamin simula high school. Ngunit sa kasamaang palad ay nasira ang aking salamin noong isang taon at hindi ko na ito sinuot. Ngayon, ito na ang aking salamin. Makaluma man, maganda pa rin. Walang kokontra.
Ika nga ng aking GF na si Aileen, Geek Chic is definitely IN.

People are not mirrors. They see you completely differently than the way you see yourself. 
Some say, I look like a nerdy genius. Others say, I look like wonderwoman. Aileen said I look cute. I say, I look gorgeous, inside and out! Kanya kanya lang yan, Walang basagan ng trip. Blog ko 'to, kaya love your own.

Kayo, ano nga bang tingin ninyo sa akin? eh sa inyong sarili? Huminto sandali at magmuni-muni.

Monday, June 6, 2011

Random thoughts for tonight.

Bakit kaya ang mga tao, ang hilig magtanong sakin ng "Balita?" Ang sagot ko naman, "Bakit newscaster ba ko at sakin kayo nagtatanong ng balita?" Hindi nga ako nakakanood ng telebisyon, hindi ko din alam ang balita. Baka naman gusto nyo lang sumagap ng chikka. Wala rin akong chikka sa ngayon. Pasensya na dahil sabi nga ng iba, lagi nga raw ako huli sa mga balita eh. (Hindi ako nagpaparinig sa isang kaibigan, hindi)

Ito ay ilan sa halimbawa na nahuli ako sa balita:
- Recently ko lang nalaman na sumakabilang buhay na si Ace Vergel. Nung tignan ko sa google, 2007 pa pala siya yumao.
- Nagulat din ako ng malaman ko kamakailan lang na hindi pa pala kasal si Dolphy at Zsazsa. Kakalabas lamang ng balita ukol sa annulment ni Zsazsa at ng asawa nya dati na ama ni Karylle.

Kanina ay may nakasabay ako sa paglabas ng opisina. Ang gentleman sapagkat pinagbuksan pa ako ng pinto. Pagkatapos ay bigla siyang naglakad na pakembot. Kinabog ang beauty ko dahil ang sexiness ng paglakad niya. Bounce to the left, bounce to the right ang effect ng butt niya. Tawang tawa nanaman ako.

Naalala ko lang bigla ang kwento ng aking guro. Bago daw dumating ang araw ng board exams, nagsimba daw siya at hindi niya kinain ang os-cha. Instead, inuwe niya ito at itinago. Apat na araw ang boards, so hinati niya sa apat na porsyon ang os-cha. Isang araw ng boards = isang parte ng os-cha ang kinain niya upang gabayan daw siya ng Panginoon habang kumukuha ng exam. Para sa kanya, sariling diskarte daw ang mga gagawin mo bago mag exam. Wala daw dapat basagan ng trip. MYOB nga db? Ako kaya, anong trip naman ang aking gagawin sa pagpasa?

Tagalized Accounting Terms.

Tawang-tawa ako sa joke ng aking kaibigan na itatago ko sa pangalang rex o mas kilala bilang Mighty Thor. Sorry na! Mababaw talaga ang kaligayahan ko, pagbigyan nyo na lang.

Rex: Anong hayop ang mahilig sa accounting?
Me: Cow?
Rex: Nope. Frog.
Me: Bakit?
Rex: Kase... RrrrrrrDEBIT, rrrrrrrCREDIT.

Tama na ang joke time.

Gusto ko sana ipamahagi sa inyo ang ilang accounting terms at ang kahulugan nito sa tagalog, in short ito ay mga Tagalized Accounting Terms.

1. Asset – Ari
2. Fixed Asset – Aring Nakatirik
3. Liquid Asset – Aring Tumutulo
4. Written-off Asset – Aring Pinutol
5. Cut-off time – Oras ng Pagputol
6. Depreciation – Pagkalaspag ng Ari
7. Fully Depreciated Asset – Aring Laspag na Laspag na
8. Earning Asset – Aring Ganado Pa
9. Non-Earning Asset – Aring Baldado na
10. Owned Asset – Sariling Ari
11. Other Asset – Ari ng Iba
12. Miscellaneous Asset – Mga Aring Pinagsamasama
13. Erroneous Entry – Mali ang Pagkapasok
14. Double Entry – Dalawa ang Pinasukan
15. Multiple Entry – Labas-pasok
16. Correcting Entry – Itinama ang Pagpasok
17. Reversing Entry – Baligtad ang Pasok
18. Tangible Asset – Aring Nasasalat
19. Dispensed – Nilabasan
20. Undispensed – Hindi Nilabasan

Sana ay may natutunan nanaman kayong bago sa akin! Hanggang sa muli!

(Reference: http://www.dpinoyweb.com/2008/09/29/pinoy-joke-filipino-accounting-terms)

Saturday, June 4, 2011

FIRST DAY HIGH, ALL OVER AGAIN.

Unang araw ng aking pagbabalik-aral. Wala akong tulog, ngunit ako ay nagsurvive.

Nakarinig nanaman ako ng debits at credits. Maginhawa naman ang pakiramdam sapagkat na-miss ko din ang pag-aaral ng accounting. Sana ay tuloy tuloy ang aura at good vibes na ito.

Tatlong bagay: C-onsistensy P-reparation A-ttitude ang aking kailangan upang makamit ang hangarin.

Nakaka-inspire ang mga kwento at pahayag na aking narinig ngayong araw na ito. Ang mga taong nasa kapaligiran ko ay importante ngunit ako pa rin ang "drayber" ng aking buhay. Nakasalalay sa akin ang aking patutunguhan. Maganda ang aking pakiramdam na makakamit ko na ang aking hangarin. Ano mang pagsubok ay kakayanin. Bawal magreklamo. Kailangan magsakripisyo.

This is it! I will give it my best shot!

Wednesday, June 1, 2011

I DO.

JUNE JITTERS.

Kalma lang. Hindi pa ako ikakasal. Malayo at malabong mangyari yun sa ngayon. (But I'm hoping na malapit na! Alam kong may magrereact jan.) Ngunit ako ay nakararanas ng June Jitters.

Ang bilis nga naman ng takbo ng panahon at di ko namalayan na Hunyo na pala. Halos mangalahati na ang taong ito. Nang aking sariwain ang huling limang buwan ay napagtanto kong ang daming mga pangyayari na naganap na nagpabago ng takbo ng aking buhay.

Sa pagsalubong ko sa buwan na ito, ako ay medyo kinakabahan. Inaasahan ko ang marami pang lubak na dadaanan ko simula ngayon. Ultimong sakripisyo (Ultimate sacrifice) ang aking gagawin para sa aking sarili at karera. Ako ay nag-aagam agam kung kakayanin ko ba ang pagsubok na aking haharapin, ang daan na aking tatahakin. Sa palagay ko, tatag ng loob, disiplina at pagtitiwala ang aking sandata upang labanan ang anumang unos. Sana ay ambunan or dapat ay hilingin kong ulanan o bagyuhin ako ng napakagandang swerte at bendisyon (blessings).

Ang masasabi ko lang, ano man ang aking nararamdaman sa ngayon, alam kong kakayanin ko ito.

☑ I can do this.

Tuesday, May 31, 2011

Monday, May 30, 2011

THE STARE.

THE STARE.
Hinintay ko pa naman, bakit wala yung part na to sa movie? :(

Tawang-tawa nanaman ako as usual. KUNG FU PANDA 2 is one of the best!

I really adored this film not only because I am still a child at heart but because of its awesomeness. I was looking forward to seeing it since I loved the first movie so much. PO, popularly known as the Dragon Warrior, is adorable. I even can't wait for the next line that he'll deliver because everything he says is just so humorous. The movie is very action-filled and entertaining, yet inspiring. I just can't stop laughing on the whole duration. 

Amazingly, the movie has a lot of positive messages. One of the lines that moved me was when Po said to Lord Shen, "What happened in the past is not important, it's who you choose to be." True, the past need not define you. Forget about the past and find inner peace within yourself. With this, you will be able to handle anything that life will bring in the future.
Do a journal entry to debit all the good intangible assets (those that are  not physical in nature). And write-off all the negative vibes within you. Make sure that it is a double entry bookkeeping, though, to be able to balance your book of accounts which we call life.

Sunday, May 29, 2011

Substance over form.

Substance over form - If information is to represent faithfully the transactions and other events it purports to represent, it is necessary that they are accounted with their substance and reality and not merely their legal form.

Ito ay isa sa mga kwaliteytib karakteristiks ng akawnting na gusto kong iugnay sa mga pangyayari sa totoong buhay. Ang halimbawa nito ay ukol sa mga relasyon, specifically romantic relationships. Isang magandang halimbawa ay legal ang relasyon ninyo ngunit parang hindi naman kayo or kabaligtaran naman na "parang" kayo ngunit hindi naman opisyal. Substance (parang kayo) over form (pero hindi kayo opisyal)? o Form (Opisyal ang relasyon) over substance (walang gana sa relasyon)? Mamili kayo.

Ang hirap ng dalawang sitwasyon na ito at alam kong sa panahon ngayon ay marami ang ganitong set-up. Nakakaloka at very confusing talaga kapag ikaw ay nakaranas nito. Ako rin ay dumaan na dito. Masasabi ko lang ay ayoko na itong mangyari sakin, nakakatrauma siya.

Unahin natin ang "Substance over form" - May mutual na pagkakaunawaan. Gusto nyo laging magkasama kayo. Masaya kayo kapag magkasama. Ang pagsasama niyo ay kasing tamis ng asukal na nilalanggam pa. Walang patakaran at walang pagpapanindigan (commitment), ngunit nagkakaron ng selosan. Pareho kayong nahihirapan lumugar kase "hindi naman daw kayo". Walang responsibilidad, ngunit kapag hindi nagpaalam ang isa o hindi nagtext, nagagalit naman yung isa. Nagsisimula ang away na wala naman dapat pag-awayan kasi nga hindi naman kayo. Ano ba talaga? Gawin nyo na lang kayang opisyal yan? Lahat ng tao nagtatanong na, kayo ba? Ngunit feeling nyo artista kayo, deny to the max pa. Madali lang ang kasagutan dito. Pag-usapan niyo yan ng maayos.

"Form over substance" - Ito naman ay para sa mga opisyal na pagiging kayo. Kayo nga, ngunit wala nang substance ang relasyon. Puro away, walang pagmamahalan. Ayaw nyo pa rin bitawan ang isa't isa dahil nasanay na lang kayo na magkasama. O hindi naman kaya dahil nanghihinayang kayo sa matagal ninyong relationship kaya nagtitiis na lang kayo, that's why you are settling for anything less. O dahil nanghihinayang kayo sa mga naiplano nyo para inyong kinabukasan. Ayaw niyo pa rin imulat ang inyong isip na hindi na talaga magtratrabaho (magwowork sa ingles) pa ang relasyon nyo. Umaasa pa rin kayo na magbabago at maaayos ang lahat at pansamantala lamang ang pangyayari na ito sa inyong buhay. Paano kung hindi kayo para sa isa't isa. Pipilitin niyo pa rin ba? Kahit na ang gulo gulo na? Umayos nga kayo.

Para sa akin, wala akong pipiliin dahil gusto ko pareho na lang kung maaari. Substance and form.

Tuesday, May 24, 2011

WRITE-OFF.

Write-off - Removal of the book value of a destroyed or obsolete asset, or an uncollectible sum, from the account books by reducing it to zero. The amount written off is charged against the earnings as an expense or loss.

Kung ikukumpara ito sa totoong buhay, kapag wala nang balyu ang mga bagay/tao dapat na silang i-write-off. Dadating talaga ang panahon na marerealize natin na ang mga bagay o tao o relasyon ay wala nang balyu or sa masakit na salita, wala nang silbi. Dahil dito, dapat na natin sila i-write off or tanggalin. Siyempre hindi naman ito kaagad agad. May dadaanang matinding pagsusuri bago mag write-off.

Sa ngayon, matindi ang aking pag-iisip kung dapat na bang mag write-off o hindi. Obsolete asset na bang matatawag ang aming relasyon? Dapat na ba palitan o i-dispose ang asset na ito? Ang hirap! Sapagkat minsan ang mga asset kahit ito ay obsolete ay mayroong tinatawag nilang sentimental balyu. Naging malaking parte sya ng iyong buhay at nakasama mo siya sa mahabang panahon. Ang tagal ng proseso ng assessment na to.

Kung sakaling maisipan kong i-write off ito ng tuluyan, malamang ay charged to expenses/loss nga ito. Kahit ito ay mawala sa aking Financial Statements na parang bula, mananatili pa rin ito sa aking Journal Entry. It will forever be in memories na lang.

Monday, May 23, 2011

When the time has come.

Ganun pala yun noh? Dadating pala talaga yung araw na yun. Yung araw na marerealize mo lahat ng katangahan mo sa buhay. But then, no regrets. Ganun talaga eh. Sabi nga sa opisina na kapag nagtratrabaho ka lagpas ng walong oras na walang bayad, charge it to experience na lang. Tama naman, db?

Ilang beses na nila akong pinagsabihan. Yung ulo ko parang bato. Ang tigas. Ang puso ko naman parang mamon. Ang lambot. Sabi nila bakit daw ako nagpapakatanga sa kanya kung pwede naman akong maging matalino sa pagpili ng iba? Ang hirap turuan ng puso eh. Sabi nga nila kapag tumibok ang puso, wala ka na magagawa kundi sundin ito. Masunurin ako, lagi kong sinusunod. It's how I lived my life, by taking chances. Parang minsan kapag nagdrive ako, dapat pa kong maligaw para mahanap lang yung tamang lugar. Yung maling liko ko sa kaliwa pala, dinala ako kung asan ang pinakamasayang piging! Ang buhay ay parang pagmamaneho lang kase yan. Minsan di maiwasan na mabangga ka dahil kung saan saan pa tumitingin or kung ano ano pa inaatupag habang nagmamaneho. Matuto ka na mag-ingat. Ang masasabi ko lang, kahit maligaw ligaw ka pa at mali mali ang dinadaanan mo, makakarating ka pa rin sa pupuntahan mo. Dahil kapag naghintay ka lang sa isang tabi kase di mo alam ang daan, wala kang mapupuntahan. Tawag sayo stuck up. Basta next time, alam mo na yung tamang daan.

Maaari din na ang buhay natin ay parang sa washing machine lang, yung mga maduduming damit ang daming twists and turns bago maging malinis. Paglabas naman sa washing machine, parang bago na ulit. Better and brighter dahil laba sa Tide. Ang bango pa!

No regrets. Naniniwala ako na kung asan man ako ngayon, it is where I am supposed to be. Kung perfect na ang araw ko ngayon, edi magiging walang silbi ang bukas ko. Life should get better everyday.

Live life! Laugh loud and laugh often hangang sa mabaliw ka lang. Saktong craziness. And when the time has come, the perfect moment you have been waiting for, don't let it slip away. Hold on to it and make the most of it. ü

Sunday, May 15, 2011

INVADING BOHOL.

BOHOL CHOCO TOUR ADVENTURE 2011
First stop: Blood Compact Monument of Legazpi and Sikatuna or in short the SANDUGO.
 2nd Stop: Baclayon Church - one of the oldest church in the Philippines. The church is made of coral stone and it is said that millions of egg whites were used to cement the coral stone blocks together.

3rd Stop: Lunch at the floating resto (PAWIKAN style).

4th Stop: Tarsier Conservatory

5th Stop: FAMOUS CHOCOLATE HILLS

6th Stop: Butterfly Garden

7th Stop: Hanging Bridge
Last (but not the least) Stop: Philippine's 14th year old Python named PRONY.
We were entertained by Prony's twin, Marimar.
It was indeed a very tiring first day at Bohol. We then had our dinner at Chicken Ati-Atihan, which is now one of my fave chicken inasal. "Mapapasayaw ka sa sarap!" (And I did!)

2nd Day: LUNCH @ Bohol Bee Farm
MUST TRY: HONEY-GLAZED CHICKEN WITH ORGANIC SALAD AND WATERMELON CHILLERS. RAPSA!
BEST PART OF OUR STAY: RELAXING @ BOHOL BEACH CLUB.
SPECIAL THANKS TO L.O.L TRAVEL AND TOURS FOR MAKING OUR TRIP SMOOTH AND WORRY-FREE.